Una sa Balita

Pusher bulagta sa sementeryo

By
0 107

Natagpuang bangkay na at may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sa loob ng pampublikong sementeryo, ang isang kilalang pusher ng iligal na droga sa kanilang lugar sa Cavite City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Cavite City Component Police Station (CPS), bandang alas-singko ng hapon kamakalawa ng matuklasan ang labi ng biktimang si Regner Crespo y Candosoa ng Barangay 49M, San Antonio sa nabanggit na lungsod.

Nakahandusay sa loob ng Cavite City Public Cemetery ang biktima, na ilang dipa lang ang layo sa inuuwian nitong bahay. Nakuha sa kanang bulsa nito ang dalawang plastic sachet ng shabu at isang cherry mobile cellphone.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy