Push Mo Toh!: SONA fashion pinag-uusapan kahit pina-simple

By

Bukod sa unconventional shots ng internationally-acclaimed na si Direk Brillante Mendoza na magkakaiba ang na­ging impresyon, pinag-usapan din ang mga kasuotan ng ilan sa ating celebrities na dumalo sa kauna-unahang State of the Nation Address ng ating pangulo, si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang dress code na ipinalabas ay dapat isang business attire pero puwede rin naman ang Fili­piniana dress basta sa mga babae ay hindi ito lalampas sa kanilang tuhod.

Perfect example dito ay si Vice President Leni Lobredo na suot ang isang Filipiniana-inspired outfit.

Ito rin ang kapansin-pansin sa Star for All Seasons na si Ms. Vilma Santos na naka-skirt lamang at cream blouse na parang isang barong ang material.

Kitang-kita ang kasimplehan sa dalawang very powerful women na ito na walang inten­siyong magpa-impress.

Bongga rin ang suot ni Heart Evangelista na sa una’y nakasuot ng isang white Filipiniana-inspired dress pero later in the afternoon ay nagpalit ito ng isang chic pants and blazer ensemble pero kapansin-pansin ang Hermes clutch bag nito. O,’di ba?

In fairness, isa siya sa pinakamagandang celebrities na dumalo sa SONA.

Si Senator Grace Poe naman ay nakasuot ng isang embroidered-white dress na nakalugay ang buhok . Dati kasi, kadalasang nakikita siya na naka-ponytail pero this time, nag-iba nga siya ng hairstyle.

Simple ang suot ni Senator Loren Legarda na naka-pink embroidered tunic, chunky accessories at slacks.

Okey din sana ang suot ni Gretchen Barretto na naka-Inno Sotto long-sleeved blouse pero naka-ankle-length naman ito na skirt na kahit taliwas ng konti sa dress code.


Pero, ang isa mga tinira ng netizens na talagang sumira raw sa dress code ay ang asawa ni Manny Pacqiuao na si Jinky.

Pumasok ito na naka-lavander na gown na si Inno Sotto ang nagtahi pero bumawi naman ito dahil kinahapunan ay nagpalit ito ng isang simpleng green Gucci dress na appropriate na rin daw sa dress code.

Ang pinaglaruan naman sa social media ay ang suot ni Senator Nancy Binay na mukha raw isda na pati ang bitbit nitong clutch ay ini­halintulad sa liyanera ng leche flan.

Suot niya ito sa Senator’s Hour bago ang SONA pero nagpalit din ng black knee-length Randy Ortiz kinalaunan.

Anyway, anu’t ano man ang naging fashion statements ng ating mga celebs sa nakaraang SONA, ang importante ay nabusog tayo at natuwa sa mga nari­nig natin sa mga pagbabagong gagawin ng Duterte administration para sa tao, at sa bayan.

Pokwang ‘di na maalala ng kanyang ina

May pinagdadaanan pala ngayon si Pokwang na may kinalaman sa kanyang inang si Nanay Gloria.

Ang kanyang ina ay meron ngayong Alzheimer’s disease kung saan unti-unti nang nawawala ang memory nito at minsan ay paiba-iba na ang mga naaalala nito.

Sa Tonight With Boy Abunda, ma-emosyonal ngang inilantad ng komedyana ang kalagayan ng kanyang ina.

pokwang
                  Pokwang

Aniya, “Niyakap ko siya, ‘tapos sabi ko sa kanya, ‘Sino ako?’
“Tapos sabi niya, ‘Ikaw si Pokwang, si Pokwang si Wowowie.’

“Dati kasi, kapag tinatanong ko siya, ‘Ikaw si Mayet, ikaw si Mayet.’
“Yun ‘yong medyo okey-okey pa siya.

“Nang sinabi niyang ‘Ikaw si Pokwang ng Wowowie, ‘tapos tinanong ko siya, ‘Ano mo ako, ano mo ako?

“Ang sagot niya, ‘Bayaw.’
“Talagang napaganun ako.
“Dun na talaga ako…”

Sa kabila nang lahat, masaya raw si Pokie na kapiling pa rin niya ang kanilang ina.

Ayon pa sa kanya, “Sinabi ko sa kapatid ko, ano na lang, iparamdam na lang natin sa kanya, kung gaano natin siya kamahal.

“Kung gaano tayo ka-thankful sa kanya na kahit dose tayo, binuhay niya tayo.
“Araw-araw, iparamdam natin na mahal na mahal natin siya.”

Dugtong pa ng actress-comedienne, “Alam naman natin na kahit nawawala ang memorya niya, ‘yung pagmamahal ay hindi naman nawawala.

“Hindi kami nawawalan ng pag-asa na babalik pa sa normal.

‘At kung sakali mang matuluyan na, ‘yung tulu­yang mawala na (ang memory), gusto ko lang baunin niya kung gaano namin siya kamahal.”

Ramdam daw ni Boy Abunda ang pinagdaaanan nga­yon ni Pokwang dahil maging ang ina niya ay meron ding mild dementia na halos pareho rin ng Alzheimer’s disease.

SHARE