Una sa Balita

Push Mo Toh!: Solenn, nakipagtalakan sa basher!

By
0 82
Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Nakipagsagutan nga si Solenn Heussaff sa bastos at sarkastikong comment ng isang IG follower niya sa kanyang post, na kung saan ay naka-swim wear siya sa gilid ng pool. Halatang napikon ang actress-model dahil sarkastiko rin ang naging response niya rito.

Sa caption niya sa kanyang post, sinabi niyang relaxing by the pool siya. Halos lahat ay pinuri ang kaseksihan ni Solenn na isa nga sa may pinakama­lakas na sex appeal among local celebs, pero tama nga ang kasabihang ‘You can’t please everyone’.

May isa ngang netizen ang negang nag-comment sa kanyang pic.

Sabi nito, “Maghubad ka na kaya, lubos-lubusin mo na kaya.”

Buwelta naman ni Solenn, “Ay oo nga pala.

“Sorry! Dapat naka-jeans at turtle-neck ako sa swimming pool para mas maganda tan ko.”

Sagot naman ng basher niya, “Hey if you put a pic, be prepared to get bad and good comments. Simple as that.”

Deadma na si Solenn sa sagot nito pero ang ibang followers niya ang nagpatuloy ng sagot sa negang netizen.

“Nakakamatay po ang inggit.”

“Kung ayaw niya post niya, simple lang, unfollow her.”

“Dapat naka-gown sa pool. LOL.”

“Keep your comment to yourself, dear.”

“What do you want her to wear even if it’s too much for you to look at, then leave her IG.”

“Damn Solenn, you nailed it as always.”

‘Yan ang mga banat ng followers niya sa negang netizen na ‘yon.

“Ellie, I will protect you with my life…” — Jaclyn

Isang simpleng mensahe lang ang pinost ni Jaclyn Jose upang iparamdam ang pagmamahal sa kanyang apong si Ellie. Ito ay sa gitna ng kontrobersiya tungkol sa tunay na ama ng kanyang apo na ayon nga sa half-sister ni Andi Eigenmann ay si Jake Ejercito nga.

“I will protect you with my life,” simpleng post nito.

Tulad ng madramang message ni Jake at official statement ni Andi, walang direktang pag-amin kundi puno lamang ng pagmamahal sa kanilang Ellie.

Anyway, ang mahalaga nga’y sinabi ni Andi na sa simula’t simula pa ay alam ng kanyang anak ang tunay nitong ama. At tama lamang na protektahan ang privacy ng kanyang anak lalo na’t bata pa ito sa ganitong mga kaguluhan at kalituhan.

O, siya!

Glaiza, malaki ang puso sa mga special children…

Glaiza at showbiz friends
Glaiza at showbiz friends

Tuwang-tuwa si Glaiza de Castro sa naging tagumpay ng fun run na kanyang inorganisa na binansagan ngang ‘Pireyna Run’ dahil halos lahat ng cast ng Encantadia ay tumakbo talaga.

Isa ito sa plinano ni Glaiza na bahagi ng kanyang charity works kung saan ang naging benificiary ay ang SPED Center sa Valenzuela City.

Ang SPED Center ay nagtuturo sa mga batang may special needs katulad ng mga down syndrome, autistic at iba pa, upang maging normal ang kanilang pang-araw-araw na buhay.

Ang ilan sa mga tumakbo ay ang kapwa niyang sanggre na sina Gabbi Garcia at Sanya Lopez.

Present din sina Ruru Madrid, Rojun Cruz, Carlo Gonzales, Mikee Quintos at Solenn Heussaff.

Hindi naman daw nahirapang mag-organize si Glaiza dahil nang tanungin niya ang mga Kapuso stars kung handa silang sumali, omokey naman daw kaagad ang mga ito kung kaya kahit abala rin siya ay talagang itinuloy niya.

Plano pa ni Glaiza na bukod sa 10-K fun run na ito ay ang iba pang charitable activities for a cause dahil para sa kanya, magandang paggive-back nga raw ito sa biyayang tinatanggap niya at suporta naman na ibinibigay ng mga ito sa kanyang career.

Congrats, Glaiza!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy