Una sa Balita

Push Mo Toh!: Sarah-Matteo, happy’ng-happy sa bondingan!

By
Matteo at Sarah
0 3

Mas mara­ming ­bonding time ­ngayon ang magdyowang Sarah Geronimo at Matteo Guidi­celli. Sa isang IG post ay makikita na magkasama ang dalawa na katatapos pa lang umattend ng isang spinning class. May mga hashtag pa itong #sarahgeronimo, #matteoguidicelli at #ashmatt.

Obviously, enjoy na enjoy ang dalawa sa kanilang bonding moments na na­ging viral na nga sa social ­media. Mas maraming time na sila sa isa’t isa lalo na ngayon at medyo nagpapahi­nga na muna si Sarah sa kanyang showbiz commitments.

Very obvious naman na wala muna siyang gaanong tinatanggap na trabaho dahil gusto muna niyang asikasuhin ang ilang personal na bagay sa kanyang buhay ­kasabay na ang hangaring magkaroon ng mas makahulugang pagbabago sa kanyang career.

Samantala, si Matt naman ay katatapos pa lang ng kanyang stint sa Dolce Amore kung kaya habang naghihintay pa ng mga susunod na project ay napagtutuunan naman niya ng oras ang relasyon nila ni Sarah.

Base sa litrato, kitang-kita ang pagiging masaya nila sa piling ng isa’t isa. Kung ilang beses din nga namang inintriga ang kanilang relasyon pero at the end, wagi pa rin ang dalawa.

Malaking bagay rin kay Sarah ang pagkakaroon ng isang athletic boyfriend dahil naisasama siya nito sa mga physical activities ng kailangang-kailangan niya ngayon lalo na’t isang beses na rin siyang napabalitang nagkakasakit.

Happy together nga ang drama ng dalawa at kebs nila sa mga naiinggit at patuloy pa rin nilang ginagawan ng kuwentong kutsero.

‘Yun na!

Ka Freddie sa NCCA, prinotesta ni Vivian Velez!

Nagpahayag ng pagkadismaya ang prangkang si Vivian Velez sa diumano’y pag-claim ng folk singer na si Freddie Aguilar na pag-appoint ni President Rody Duterte bilang head ng National Commission for Culture and Arts.

Ito nga raw ay pamamagitan ng Executive Secretary ng ating presidente na si Bong Go.

Sa kanyang FB account, diretsahang sinabi ni ­Vivian na…

Vivian Velez
Vivian Velez

“We do not wait. We need to vocalize ­immediately the artists’ ideology that it cannot be ran by just anybody deemed by office the President. Ano ang meron kay Freddie para maka-quality sa posisyon na ‘yan?”

Isang malaking responsibilad daw ang pamumuno nito dahil ang ahensiyang ito ang tumitingin sa kapa­kanan ng mga artists bukod pa sa ito ang nagbibigay ng grants para sa mas lalo pang ikakaangat ng ating ­sining at kultura.

Aware raw ang dating sexy actress na malapit si Ka Freddie sa ating pangulo pero sana nga raw ay isa­aang-alang ang kakayahan ng isang mamumuno nito na dapat ay may malawak na karanasan sa aspetong ito ang dapat ilagay.

Kailangan din daw na may malawak ring ma­nagement skill ang uupo dahil hindi ito basta-bastang katungkulan lamang.

Para nga raw maalis ang malisya na may ambisyon siya sa nasabing posisyon, diretsahan nang sinabi ni VV na…

“Hindi importante na ako mismo ang mamuno. Mas mahalaga sa akin na tama ang direksiyon, at maganda ang pamamalakad.”

Hiningi rin ni Vivian ang professional advice ni Nick Lizaso hinggil sa bagay na ito. Si Nick ay member ng board of trustee ng Cultura Center of the Philippines at kilalang isang magaling na stage actor at TV/Film director.

Sa ngayon, wala pa namang reaksyon na nababasa mula sa kampo naman ni Ka Freddie tungkol sa komentong ito ni Vivian.