Una sa Balita

Push mo Toh!: Sakit ni Sarah, hindi ganu’n ‘KALALA’!

By
Sa­rah Geronimo
0 3

Ayaw nang pag-usapan pa ni Sa­rah Geronimo ang tungkol sa health issues na pinag-usapan nitong mga nakaraang linggo dahil nga sa pagkakakansela ng guesting niya sa MTV Music Evolution na magaganap sa buwang ito.

Hindi naman daw ito ganun kalala para gawin pang big deal, pero inamin niya na may dapat i-address sa kanyang kalusugan. Pero, nothing to worry naman daw.

Maging ang pag-asa na kung sa susunod na season ng The Voice Kids Philippines ay muli siyang makikita, isang simpleng ‘hopefully’ nga lang daw ang naging kasagutan nito.

Abante Hiring – IT dep

Kung sakali man daw na muli siyang makabalik, kailangan daw ay paghandaan niya ito nang husto dahil hindi ito ganun kadali at hindi biru-birong trabaho.

Pero, ikinatutuwa ng Pop Princess ang other side ng pumalit sa kanya bilang judge, ang idolo niyang si Sharon Cuneta.

Pinanood nga raw nito ang pilot episode at enjoy na enjoy siya kay Shawie dahil supergame nga raw habang nakikipagtsikahan kina Lea Salonga at Bamboo.

And speaking of Sharon, touched na touched nga raw ito sa isinulat ni coach Lea tungkol sa kanya. Talagang ibinalik niya kay Lea ang magandang gesture nito sa pamamagitan ng kanyang pasasalamat dito.

Lalo na nga raw na ang naging achievement ni Lea internationally ay mahirap mapantayan kaya somehow ay feeling humbled si Sharon sa mga papuri sa kanya ng Broadway superstar.

Kaya, para sa mga nang-iintriga na naman na meron daw tensyon sa pagitan ng dalawa dahil sa pag-aagawan nila sa contestants na gusto nilang i-coach, tigilan sila, noh!

Huwag na raw silang gawing isyu dahil hindi naman ito uubra dahil kitang-kita naman onscreen kung gaano nila kasundo at kamahal ang isa’t isa.

Kung meron mang competition, isa itong healthy at friendly competition para sa ikagaganda ng The Voice Kids show. Oo nga naman!

Piolo at John Lloyd, mga pinakaseksing aktor kay Charo!

Para kay Ms. Charo Santos, ang pinakaseksing local actor para sa kanya ay sina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Kinikilig-kilig pang sinabi ito ng Kapamilya topnotch nang itanong sa kanya ni Boy Abunda sa special episode ng Tonight With Boy Abunda.

Kaya nga, kahit kinulit siya ni Boy na kailangang isa lang ang dapat niyang piliin sa dalawa, nagbago ng choice si Ms. Charo.

Natatawang pinili na lang niya si Mr. M o si Johnny Manahan ang pinakaseksing personality na inaprubahan naman ni Boy.

Samantala, sa tanong naman ng TWBA host sa kanya kung anong istorya ang magbibigay sa kanya ng inspirasyon para umarte muli sa harap ng kamera, ang naging sagot niya ay ‘yung kuwento na magpapa­tindig sa kanyang mga balahibo.

Ibig sabihin ay kailangang may kurot talaga sa kanyang puso’t kamalayan at kailangang maayos ang pagkakalahad sa kanya ng kuwento.