Una sa Balita

Roxanne, INIWAN ni Will Devaughn sa Sta. Fe trip

By
0 12

Sobra ang panghihinayang ni Roxanne Barcelo na hindi siya kasama ng grupo na magko-cover ng taunang Pu­ting Baybay Festival sa Sta. Fe, Bantayan Island sa Cebu.

Kahapon umalis ang unang batch na kinabibilangan ng kanyang dyowang si Will Devaughn na katulad niya ay malaki rin ang panghihinayang na hindi siya nakasama.

Ito pa naman sana ang unang proyektong magiging involved si Roxie bilang isang Tourism consultant ng nasabing munisipyo.  Ano naman kaya ang dahilan at naudlot ang pagpunta niya sa Sta. Fe na naging location ng unang pagsasama nila ni Will sa pelikula?

May taping ba ang aktres para sa Wildflower kung saan ginagampanan niya ang papel bilang si Nathalie? O baka iniiwasan lang niya si Will? Choz!

Ngayon (October) 1 ang Puting Baybay Festival ni Mayor Tingting Esgana, at araw nga rin daw ni Roxanne para sa Kapamilya teleserye. Sinikap daw niyang kausapin ang Executive Producer nito kung papayagan siya pero to no avail dahil kailangang-kailangan talagang makunan ang eksena niya.

Ipinarating na lang niya sa butihing mayor ang kanyang paumanhin na agad namang naunawaan nito.

Hunky actor, nandiri sa malaswang female staff! 

Pa-sexy man ang hunky actor na ito, pero sobra rin pala ang pagiging conservative nito. Sa isang umpukan na kung saan kasama niya ang mga staff ng isang event, naging center of tsikahan ang sexcapade ng isang female staff.

The night before kasi, nagkaroon ng encounter ang female staff sa isang guwapong lalaki at ‘yun nga ang naging topic nila. Talagang walang patumanggang halakhakan ang nangyari dahil sa detalyadong kuwento ng hitad na walang paki kung naririnig ito ng aktor.

Sa una ay medyo nakikisakay pa ito pero habang nagiging maberde ang tsikahan, nagiging uncomfortable na ang hunky actor. Hangga’t hindi na nga ito makatiis at lumipat na lang ng lamesa at ginawa ang gusto niyang gawin.

Feeling pahiya ang malalaswang girlash. O ‘di ba?

Matt Evans, enjoy sa GMA 7

Matt Evans
Matt Evans

Mukhang nag-e-enjoy na si Matt Evans sa Kapuso network. Matapos itong mapabalita na tumawid ng bakuran in the tradition of Atom Araullo and the rest, nagiging very visible na siya sa nasabing istasyon.

After guesting sa Jack En Poy, Unang Hirit etc., muli siyang mapapanood sa Tadhana na isang once-a-week drama series.

Eleven years man ang ginugol ni Matt sa ABS-CBN, pero unti-unti na rin siyang nag-a-adjust sa Kapuso setting. We heard pa nga na kino-consi­der na siya to a lead role sa isa sa mga bubuksang shows dito. Kulang nga sa leading men ang GMA 7, so, magandang chance ito for Matt.

Hindi miyembro ng GMA ­Artist Center ang aktor, but it seems sa pamamahala ni Rams David sa kanyang career, may another chance to stardom si Matt.