Una sa Balita

Push Mo Toh!: Rayver, ‘elya-elya’ sa paggiling ni Maja!

By
Rayver Cruz
0 4

Kung hindi nga lang dahil sa kanyang best friend na si G­erald Anderson, malamang ay niligawan na ni Rayver Cruz si Maja Salvador na former GF nga ni Ge.

Inamin ng Kapamilya actor na feel niya noon pa ang Queen of the Dance Floor at sumagi nga sa isip niya na maging dyowa niya ito pero kinontrol lang niya.

“Dumaan sa isipan ko, hindi ako magsisinungaling pero ayaw ko nga namang masira ang pagkakaibigan namin,” sabi ni Rayver.

Tsika pa niya, “‘Yun din ang isang problema, mahal ko sila parehas. Mahal ko kasi ang mga kaibigan ko. Ang hirap ng sitwasyon if ever.”

Inamin din nito na malaki ang atraksyon niya kay Maja kapag sumasayaw ito. Bilang kapwa niya dancer, basang-basa niya ang body rhythms nito na kapag gumigiling-giling na ito’y iba na ang kanyang pakiramdam.

Maja Salvador
Maja Salvador

Talagang naseseksihan siya na kahit sino man daw lalake ay talagang maaapektuhan sa kilos ni Maja. In other words, naeelya siya. Char!

Hindi rin niya ipinagkaila na nagparamdam din siya kay Maja. Pero, hindi rin daw niya itinutuloy at naunsiyami na ito nang tuluyan dahil mismong si Maja na rin ang nagpaparamdam na friendship lang talaga ang gusto nito sa kanya.

Bro nga raw ang tawag sa kanya ni Maja na pabiro pa niyang sinabi na, “Binu-bro-bro mo ako, baka sa akin ka rin bagsak!”

Well, ayon na rin nga mismo kay Rayver, “Jokes are half- meant.”

Sikat na young actress, walang utang na loob
sa mga ka-probinsya!

2016-11-08-utang

Hanggang nga­yon pala ay may tampo pa ang maraming supporters ng isang sikat na young actress dahil sa pambabalewala nito sa suportang ibinigay nila rito.

Grand winner ng isang reality show ang batang aktres na ito pero ni minsan daw ay hindi nito na-acknowledge ang kanilang probinsya sa kabila ng mala­king bulto ng boto na ibinigay nila rito.

Ang lagi nga raw nitong nababanggit ay ang probinsya kung saan siya ipinanganak at halos lahat ng kamag-anakan nila. Tila nga raw nakalimutan na nito kung saan ito nag-aral, kung saan nagkanegosyo ang kaniyang magulang at ‘yun nga ang suportang ibinigay nila rito sa buong panahon ng nasabing kontes.

Ayon sa mga nakausap namin hindi naman sila nagde-demand ng higit pa sa gusto nila kundi ang i-acknowledge man lang nito ang kanilang probinsya na kahit hindi naman siya rito ipinanganak ay malaki ang bahagi ng kanilang probinsya ng kanyang buhay, at ng kanyang tagumpay ngayon.