Una sa Balita

Push mo Toh!: Photo with Mark Zuckerberg, most-treasured kay Abby Asistio!

By
Mark Zuckerberg at Abby Asistio
0 2

Grabe sa saya ang naramdaman ng singer na si Abby Asistio nu’ng imbitahan siya ng Facebook CEO na si Mark Zuckerberg na pumunta sa Amerika dahil sa kanyang advocacy tungkol sa sakit na alopecia kung saan nakakalbo ang isang tao.

Hindi raw niya akalain na dahil sa kanyang testimonies, inspirational talks, mga shouts niya sa FB at blogs ay mapapansin siya ng isang malapit sa Facebook owner na may alopecia rin at ikuwento nito kay Mark ang kanyang mga ginagawa.

Kaya nga, nagulat na lang daw siya nang makatanggap siya ng imbitasyon dahil gusto nga siyang makita ng personal ng isa sa pinamakamayamang tao sa mundo.

Tsika ni Abby kay Boy Abunda, “He wanted to know who are the real people who’s using Facebook. It’s a celebration of friends, and for them, heto ang mga totoong istorya na gustong marinig ng buong mundo tungkol sa iba’t ibang tao and they wanted to highlight that.

“It was scary from the beginning kasi nga ninerbiyos kami, pero na-realize namin na kaya they wanted us to be here because they just wanted us to be ourselves.

“There was no need to impress, no need to perform – they just wanted to hear our story.”
Hindi nga raw niya akalain na magiging ka-face-to-face niya ang gumawa ng pinakasikat na social media site na talaga namang game na game na nakipagtsikahan sa kanila.

Sobrang bait nga raw ni Mark, walang yabang sa katawan kung kaya, ang pictures nila together ay isa sa most-treasured memories na itinatago talaga ng singer.