Una sa Balita

Push Mo Toh!: Pagpatol sa ‘bully’ ni Daniel, pinaboran ng netizens!

By
0 9

Kalat na sa social media ang diumano’y pagkapikon ni Daniel Padilla sa isang grupo ng concert goers na dumalo sa concert niya sa Ila­gan. Halata na sa bandang ka­nan ng stage ay hindi nagustuhan ang sigaw at pag-middle finger raw ng nasa audience na ikinawala nga ng kanyang pagi­ging cool.

Kita na lumapit siya sa isang taga-production para siguro sawayin ang mga ito pero sa muli niyang pagbalik sa area ay nagsalita na nga siya nang hindi maganda.

Kanya-kanyang komento ang netizens tungkol sa pangyayari na merong pabor sa ginawa ng Kapamil­ya teen idol at meron din naman nagsabi na sana raw ay naging mas understanding siya sa situation.

Sabi ng iba, sana nga raw ay hindi na lang binalikan ng aktor ang area na ‘yun dahil halatang nangbu-bully na at nag-concentrate na lang sa isang side ng stage.

Anyway, sa ibang banda, naiintindihan namin ang naging reaksiyon ni Daniel. Hindi porke’t obligado siyang mag-perform ay puwede na siyang bastusin ng ganun. Tao rin lang siya na sensitibo sa pambabastos.

Darren, itinangging  dyowa niya si Steph!

Nagpaliwanag si Darren Espanto na girlfriend niya ang kasama niya sa music video ng pinakabago niyang album. Maganda ito at buong akala ng lahat ay dyowa niya ito pero sa tsikahan nila ni Boy Abunda ay mariin niya itong itinanggi.

Medyo napangiti pa nga siya na hindi niya alam na meron na palang ganoong tsika.

“Si Ate Steph po ‘yun,” ayon nga kay Darren.

“On the day of the shoot ko lang po siya nakita,” dagdag pa niya.

Five years older nga raw si Steph sa kanya kaya nga ‘Ate’ ang naging tawag niya rito.

Wala pa naman sa isip niya ang mag-focus sa lovelife marami pa nga raw siyang pinagkakaabalahan. At saka,15 years old pa nga lang siya kung kaya career and studies ang priority niya ngayon.

Samantala, nagpaliwanag din siya tungkol sa kanyang cryptic post tungkol sa mga bashers niya. Wala naman daw siyang gustong sabihin pero gusto niyang ipalaam lamang na hindi talaga tama ang mag-backstab.

Biktima rin kasi siya nito kung kaya hindi niya rin napiligan na maglabas ng kanyang saloobin.

Ang isa pang napag-usapan nila ni Boy ay ang tungkol sa pagbabago ng timbre ng kanyang boses. Dahil nga nagbibinata na si Darren, ang dati raw na matining at manipis na boses ay napapalitan na ito ng mas buo at mababang timbre.

Sa totoo lang, sa sampol ng kantang Chandelier ay talaga naman hindi pa nagbago ang kalidad ng kanyang boses at nandun pa rin ang pagiging biritero niya.