Una sa Balita

Push Mo Toh!: Netizens, nabulabog sa ‘IYAK’ photos ni Mariel!

By
Mariel Rodriguez-Padilla
0 1

Marami ang nag-worry para kay Mariel Rodriguez nang mag-post ito ng mga litrato sa kanyang Instagram na umiiyak. Lalo na nga at buntis ito ngayon, matapos ang dalawang attempts na mabuo ang pagmamahalan nila ni Robin Padilla, kaya mas lalong maraming netizens ang naging concern sa kanyang kalagayan.

Buong akala ng lahat ay may personal itong pinagdadaanan dahil bakit nga naman siya magpu-post ng ganung larawan kung wala. Eh, nasa Amsterdam pa naman ngayon ang mag-asawa na nakabakasyon kaya hindi ini-expect ang mga ganitong posts na tila malungkot tingnan.

Pero, si Mariel na rin mismo ang komontra sa mga pangamba na ito ng kanilang supporters ni Binoe. Ayon sa kanya, ‘yun ay tears of happiness lamang at kabaligtaran sa kung ano ang mga nasa isip ng mga nangangamba para sa kanyang kalagayan.

“Sometimes it’s just too funny…you cry moments, we will always treasure @robinhoodpadilla #maarstricht,” sey ni Mariel.

Hindi naman kasi ipinaliwanag ng Its Showtime host kung ano ang ginawa sa kanya ng kanyang mister para maiyak siya sa kaligayahan. Pero, knowing Binoe na mahilig mag-surprise, baka nga may iniregalo ito o may ginawang napaka­romantiko para kay Mariel kaya hindi nito mapigilan ang makuha lalo na nga at iyakin din ito.

Anyway, marami ang natutuwa sa mag-asawa na tila kapit na kapit na sa sinapupunan ni Mariel ang kanilang baby na matagal na rin nilang pinapangarap.

At least ‘yung worry nila na baka mangyari ‘yung dati ay tuluyan nang napawi, pero ingat na ingat pa rin si Mariel habang ini-enjoy nila ang kanilang bakasyon sa isa sa pinaka-romantikong bansa sa buong mundo.

Shaina, ‘delikado’ sa LizQuen fans!

Samantala, halos kasabay naman nang pagbati na ito ni Toni ay pag-release naman ng trailer ng pinakabagong project ni Direk Paul sa Star Cinema kung saan ang bida ay sina Enrique Gil at Shaina Magdayao.

shaina-magdayao
Shaina Magdayao

Unang pagsubok din ito sa tandem nina Enrique at Shaina kung kaya marami ang nagtatanong kung gaano ito tatangkilin lalo na nga at identified masyado si Enrique kay Liza Soberano. Kumbaga, mala­king sugal din ito sa asawa ni Toni na kilala sa pag-produce ng mga pelikulang de kalidad.

Dahil hindi rom-com ang pelikulang ito na may tema tungkol sa isang pa­mi­l­­­­ya na may isang anak na nakidnap, isa rin nga itong malaking hamon sa lahat ng involved lalo na kay Enrique dahil siya ang pinakasikat sa kanila.

First time nga niyang lumabas sa kanyang comfort zone pero tinanggap niya ang proyekto dahil alam niyang maganda ang proyekto at malaki ang magagawa sa kanya nito bilang isang aktor.

Si Shaina naman ay masasabing masuwerte dahil open nga ang kanyang career sa kung sino ang ipareha sa kanya. Hindi siya identified sa kung kaninong ka-love team kaya malaya siyang makipag-partner sa kahit kanino.

‘Yun nga lang, may oras na siya ang lumalabas na kontrabida kapag naba-bash na siya katulad ng nangyari sa kanila ni Matteo Guidicelli. Dito, i-bash din kaya siya ng mga LizQuen fans? Abangan na lang natin.