Una sa Balita

Push Mo Toh!: Nadine, hindi ‘kaelya-elya’ ang alindog!

By
0 6

Ang face nga ang emoticon ni James Reid sa kanyang Twitter matapos na lumabas ang unofficial partial result ng FHM kung saan nangunguna ang kanyang dyowang si Nadine Lustre bilang pinaka-sexiest local actress ng bansa.

Wala siguro sa hinagap nito na mangunguna o mapapabilang si Nadine dahil never naman na nagkaroon ng sexy image ito. At sa tingin ng iba’y hindi niya ito papayagan dahil konserbatibo’t over-protective nga siya sa kanyang lavadabs.

Sa kanyang post, parang sinita ni James kung sino ang responsable sa panguguna nito sa botohan, pero, siyempre, sino pa nga ba kundi ang JaDine loyal fans nila, de vah? Alangan naman mga tagasuporta ni Jennylyn Mercado na mukhang patatamblingin ni Nadine this year.

Anyway, ayon naman sa netizens, dapat matuwa si James dahil ibig sabihin daw nito ay star quality talaga ang kanyang dyowa. Eh, kung walang nakakapansin sa kanya, sa tingin kaya niya ay pagkakaabalahan ito na iboto?

At saka, ‘yung kaseksihan naman ni Nadine ay hindi ibig sabihin ito ay dahil sexy star siya, o nagpakita na siya ng hubog ng katawan sa kanyang pictorials, o kaelya-elya talaga siya. In fact, wala kaming maalaalang eksenang ganun kay Nadz dahil puro nga pakyut ang pics nilang dalawa.

Sa palagay namin, ang mga boto ay base sa total personality ng Viva contract star. Hindi lamang dahil may katawan o ang laki na nang ipinagbago ng kanyang physical looks mula nang magsimula siya sa showbiz, kundi total package na ito.

So, dapat maging bukas ang isipan ni James sa parteng ito. Dapat proud siya na girlfriend niya ang maaaring tanghaling pinakaseksing aktres ng ating bansa.

Wala naman sigurong makakaagaw pa sa puso ng kanyang dyowa, de vah? Aba, kung may botohan ding sexiest local male celeb, for sure, mangunguna rin siya.

Sharon, kinalaban si Willie sa pamimigay ng jacket!

Balik Twitter na nga si Sharon Cuneta na kung ilang buwan na rin siyang hindi active. Ito ay para lamang mapasa­lamatan ang nagbibigay sa kanya ng magagan­dang feedback bilang coach ng The Voice Kids.

Sharon Cuneta
Sharon Cuneta

Mas enjoy ngang panoorin ngayon ang nasabing singing search dahil sa dagdag ningning ng megastar na talaga namang authority pagdating sa music industry. ‘Yung pangungumbinsi niya sa mga iniikutan nila, parang ang hirap tanggihan. And take note, bongga ang rapport nila nina Lea Salonga at Bamboo.

Dahil nga sa tingin ng megastar na she owes the public dahil sa mga papuri nito sa kanya, kaya nagbalik social media siya. Although, ‘yung Facebook niya ay aktibo pa rin naman, pero wala siyang updates nito.

Matatandaan na umiwas si Shawie sa social media dahil sa bashers na kung minsan ay hindi niya maiwasang sagutin o patulan.

Pero dahil feeling niya ay dagdag stress ito sa kanya, nagdesisyon siya na umiwas-iwas muna rito until this time.

Anyway, ang saya-saya nga nila sa set ng The Voice Kids. Halata ang pagkakasundo nilang tatlo na lalo pang mas naging interesting panoorin.

At teka, ang running joke nga ngayon ay may kalaban na raw si Willie Revillame dahil namimigay na rin ng jacket ang megastar. Ha! Ha! Ha!