Push Mo Toh!: Luis nanliligaw kay Jessy?

By

Marami ang curious kung talagang nanliligaw si Luis Man­zano kay Jessy Mendiola. ‘Yun nga lang walang direktang pag-amin ang Kapamilya actress kahit ilang pics na nila ang naglalabasang sweet na sweet sila sa isa’t isa.

Pero, paano raw kung manligaw talaga sa kanya ang anak ni Vilma Santos, may pag-asa raw ba ito?

Ayon naman sa kanya, may pag-asa naman daw ito dahil mabait na tao si Luis.

Kaya ngayon pa lang ay marami na ang humuhula na magi­ging sila dahil halata namang magkasundong-magkasundo ang dalawa.

Anyway, hinihintay na ang reaksyon ni Luis sa pagiging top winner ni Jessy sa final counting ng FHM’s Sexiest Wo­man. But then, feeling naman ng lahat ay proud na proud ito lalo na’t ang former girlfriend nito na si Angel Locsin ay dati ring hinawakan ang nasabing titulo.

Napaghahalata na mahilig talaga si Luis sa mga sexy ha? ‘Yun na!

Kobe ‘di matutuloy sa UCLA

Hindi na pala matutuloy si Kobe Paras sa kanyang pag-aaral sa UCLA na balitang-balita noon na interesado sa kanya dahil sa pagiging potential NBA player nito.

Pero dahil sa academic requirements na hindi nito na-meet, nabigo nga ang anak ni Benjie Paras to pursue his college education sa na­sabing prestigious school.

Siyempre, marami ang nanghihinayang sa nangyari dahil kung nagkataon ay si Kobe ang pinakaunang NBA player na sasampa sa nasabing international basketball yard.

Kobe Paras
Kobe Paras

Hindi nga lang alam kung may chance pa bang makapasok pa si Kobe in case na ma-meet nito ang requirements na hinihingi sa kanya.


Pero, hindi pa naman katapusan ng big dream na ito ni Kobe dahil maaaring ma­ging interesado pa rin sa kanya ang ibang school.

Wala pa namang balita tungkol sa masasabi ng kanyang ama at kapatid na si Andre pero sinabi naman nila noon na kung saan man ang kakapuntahan ng ni Kobe ay handa nilang suportahan ito.

***

Gusto lang namin pukawin ang atensiyon ng may-ari ng Hotel Estrella sa Tacloban City kung kami naka-billet ng tatlong araw as we cover the Oath-Taking and Inauguration Ceremony ni Mayor-elect Cristina G. Romualdez.

Bukod sa hindi kagandahang serbisyo ng hotel, ninakawan pa ang dalawa naming kasamahan na staff naman ni Aster Amoyo sa segment niyang Beauty Express ng Gandang Ricky Reyes ng News TV.

Kabagu-bago pa lang ang hotel na ito pero dismayado na agad kami. Anyway, sana ay ma-improve nila ang kanilang hotel services  although mababait, magagalang ang kanilang employees.

SHARE