Una sa Balita

Push Mo Toh!: Luis, Maja, mega-react sa Shaina-Piolo ‘lambingan’!

By
0 15

Muling nabuhay ang isyu kina Piolo Pascual at Shaina Magdayao nang mag-post si Piolo ng video na may kinalaman sa pagsayaw nila ni Shaina sa nakaraang Star Magic Ball. Kita sa video ang supertight embrace ni Papa P. kay Shaina dahilan upang mag-speculate ang karamihan na mukhang madudugtungan ang anumang meron sa dalawa noong 2012.

Sunud-sunod ang mga pagbibiro sa dalawa lalo na sa comment section nito pero ang simpleng sagot lang ni Papa P. ay ‘We also know how to have fun and enjoy the night’.

Ang sabi naman ni Shaina, ‘And we danced the night away. #Normal.’

Ang hindi nakapagpigil din na nagbiro sa kanila ay ang kaibigan ni Shaina na si Maja Salvador kungsaan nagkomento ito ng, ‘Aray ko bes,’ at ‘masakit man magpapaubaya na ako’.

May pahabol ding kantiyaw si Luis Manzano na, ‘Ayun naman, o!’

Ang tanging sagot naman ni Shaina sa kanila ay, ‘Isasayaw ko din kayo.’

Anyway, maraming netizens naman ang nagsasabing walang masama kung may dudugtungan o gustong balikan ang dalawa dahil pareho naman silang single at walang masasagasaan kung sakali man.

Matagal na ring walang karelasyon si Papa P. at si Shaina nama’y naka-move on na nang husto sa hu­ling pakikiparelasyon nito.

Time to be happy again, ‘ika nga!

Eh, ano pa raw ang hinihintay ng dalawa? Gora na!

Nangibabaw ang talent… 

Isa nga raw sa mga ikinatakot ng mga alaga ng yumaong si Direk Wenn Deramas na sina John ‘Sweet’ Lapus, Atak, Joey Paras ay baka wala nang kumuha sa kanila mula nang mamayapa si Direk Wenn dahil identified nga sila bilang signature actors nito.

Except for Sweet na na-handle na rin naman ng iba’t ibang director kaya confident itong magkakaroon at magkakaroon pa rin siya ng proyekto dahil alam niyang may talento siya at masipag naman siyang tao.

Totoo naman ‘yun na maging si Direk Chis Martinez na siyang direktor nilang tatlo sa pelikulang Working Beks ng Viva Films ay nagsabi rin mismo na mangingibabaw ang kanilang talento, buhay man o wala na si Direk Wenn.

Kaya, isa nga raw siya sa talagang gustong kunin ang sinasabing ‘signature actors’ ng yumaong box-office director dahil alam daw niya na kapag galing kay Direk Wenn, hasang-hasa na ang mga ito, disiplinado at committed sa trabaho.

Bukod sa Working Beks, ang ilan sa mga ito ay ginamit din ni Direk sa ginagawa pa niyang movie na Extra-Service dahil malaki ang tiwala niya sa mga kakayahan ng mga anak-anakan ni Direk Wenn.

‘Yun na!