Una sa Balita

Push Mo Toh!: Liza, walang imbitasyon sa ‘Spiderman’ movie!

By
Liza Soberano
0 5

Maging si Liza Soberano ay nagulat sa balitang may imbitasyon sa kanya para gumanap bilang Mary Jane Watson sa susunod na Spiderman movie. Wala raw siyang natatanggap na invitation o sulat kahit man lang mag-audition kaya.

Sa ganda naman ni Liza, hindi imposibleng mapasok niya ito kung meron lang tala­gang makaka-discover sa kanya at may mala­king agency na hahawak sa kanya sa Amerika.

Ayon pa kay Liza, mukhang isang fan ang nagpaandar ng tsikang ito.

“It’s not really an invitation. I think, it’s what the fans wanted lang, fans of Marvel.

“I think one of them is Pinay and parang she tweeted na parang kung meron magiging Mary Jane Watson, she would want it to be me.

“All my fans started re-tweeting it and everything pero wala naman po talagang imbitasyon.”
Kaya nga, bago pa man siyang mabansagang ilusyunada, siya na mismo ang nagklaro at nagbi­gay-linaw sa isyung ito.

Karla, Jolina, Melai, deadma sa comparison kay Kris!

Morning habit na rin nga ng Pinoy audience ang manood ngayon ng Magandang Buhay nina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros na napapanood sa Kapamilya network
Halos dalawang buwan pa lang itong umeere pero tumataas na ang viewership nito dahil sa iba’t ibang topics nila na talaga namang kaabang-abang.

At marami nga ang nagsasabi na almost perfect blend din ang tatlo dahil sa magkakaibang persona­lidad ng mga hosts. Si Karla ay kilala naman na­ting ang daming pinagdaanan sa buhay na nagagamit niya ang mga karanasan sa kanilang morning show, si Jolina naman ay marami ring nai-impart lalo na sa tsikahang pampamilya at kasikatan, samantalang si Melai naman ay ang buhay na clown ng show pero may mga malalalim ding hugot bilang isang ina.

Kinagiliwan nga sa show ang pagsama-sama ng magkakapatid na sina KC Concepcion, Miel, Frankie at Miguel na minsan lang mangyari sa isang morning show. Pati na rin ‘yung mag-iinang Sunshine Cruz na ang revelations ng kanyang tres marias ay nakakatuwa rin talaga.

Dito rin ang magsimu­la ang match-making kina Karla at Jose Garcia na ama ni Coleen Garcia na sa ngayon ay may sarili na ring followers. Ang tanong nga ng karamihan, pang-TV lang ba ito o pangpersonal?

Ngayong papasok na sa second monthsary ang Magandang Buhay, handog daw nila ang marami pang sopresa para mas lalo pang ganahan ang mga manonood at kagiliwan ito nang husto. Kahit nakukumpara raw ito sa KrisTV ay deadma ang tatlong hosts.