Una sa Balita

PUSH MO TOH!: Liza, ‘bumigay’ na kay Enrique!

By
0 352

Wala mang na­kuhang eksaktong sagot, pero sobra ang saya-saya ng mga tagaha­nga ng LizQuen sa sinabi ni Liza Soberano sa kanyang ka-loveteam na si Enrique Gil. Ito ay naganap sa Dolce Amore Choose Concert sa Kia Theater na umere nitong Linggo, August 21.

Sabi nga ni Liza, “Kahit ano’ng pagsubok ang dumating, I will always choose you, and I will always choose to love you.’

Na sinagot naman ni Enrique ng isang patanong na, “Sa Dolce Amore lang ba ‘yan o sa totoong buhay?”

Bilang sa Serena at Tenten sa nasabing teleserye, naging ganito nga ang kuwento ng kanilang pag-iibigan. Pero, para sa kanilang mga tagahanga, ganito rin ang magiging takbo nito sa personal nilang buhay.

‘Yun nga lang, hanggang ngayon ay pareho silang tikom ang bibig sa kabila ng kanilang body language na nagsasabing mukhang silang dalawa na nga.

On stage ay kitang-kita ang ka-sweetan ng dalawa, lalo na sa isang performance ni Quen na pagkatapos nito ay kumuha si Liza ng tissue para punasan ang pawis sa kanyang mukha.

Anyway, sa nasabing concert ay na-reveal na pagkatapos ng teleserye nila sa August 26, ay isang pelikula na naman ang kanilang gagawin.

Wala pang detalye tungkol dito, pero sobrang happy ng kanilang fans dahil hindi sila mabibitin sa patuloy ng pagsasama ng kanilang iniidolo.

Oo nga naman.

Albie, wala nang pakialam sa ‘lovelife’ ni Andi!

Natutuwa si Albie Casiño na okey na sila ngayon ni Andi Eigenmann matapos dumaan ang maraming intriga sa pagitan nilang da­lawa. Sa huling panayam kay Andi, sinabi nitong ayos na silang dalawa.

Nang makausap namin si Albie sa PEP List Awards Year 3 nitong Linggo, masaya nga niyang sinabi na…

“It’s relieving. Tapos na ako sa stage na ‘yun, ‘di ba?

“Just moving forward in my life, ang tagal din noon, eh. Parang ang tagal din, ‘di ba?”

Na-trauma ba siya sa mga nangyari sa kanila, lalo na ‘yung mga pinagsasabi noon ni Andi tungkol sa kanya?

“I don’t read her interviews. I don’t want watch her interviews.

“Parang… whatever he says, it’s up to her.”

May communication na ba ulit silang dalawa?

Aniya, “I bumped into her once, that’s the only communication that we had.

“Pero, I don’t wanna be… I’m not a person who hold grudges, I guess.

“Negative energy lang ‘yon sa iyo, eh. So, I rather not… ‘di ba?

“Just let everything go, be nice to everyone.”

Ano ang masasabi niya na ang lovelife ni Andi ay naging shaky din pero inamin nito na may non-showbiz guy na nanliligaw sa kanya.

“Lovelife niya ‘yon, ‘di ba? ‘Di ko naman lovelife.

“Wala na akong pa­kialam.”

Meron naman daw siyang sariling lovelife ngayon sa isang non-showbiz girl na ayaw pa niyang magdetalye tungkol dito.

Ang importante, in good terms na sila ni Andi at tuloy lang ang buhay sa kanilang dalawa kahit kanya-kanya na sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy