Una sa Balita

OH LABAN KA?!: Kylie, nahawaan daw ng ‘swerte’ ni P-Digong!

By
0 167

Nahawaaan daw ni President Duterte ng s­uwerte si Kylie V­erzosa, ang bagong Miss International. Bago nga ang laban, ipinagmalaki ni K­ylie sa kanyang IG wall ang photo nila ni P-Digong.

Sinabi ni Kylie na ‘luckiest’ siya sa araw na iyon nung makita niya si Duterte.

“Today I am the luckiest!!! President Duterte at his state visit to Japan, felt at home with all the Fili­pinos. Thank you for all your good energy, thank you to everyone who made this possible. #missinternational2016 #rehearsalday.”

Anyway, nagbunyi nga ang mga Pinoy sa pagwawagi ni Kylie. Kanya-kanyang pagbati nga ang mga local celebs natin kay Kylie.

Georgina, gaya-gaya lang kay Demi!

Hindi nga nagpakabog si Georgina Wilson, at hayun nga at gumawa siya ng ingay, kahit buntis siya ngayon. Nag-ala Demi Moore lang naman si Georgina sa cover ng Metro Magazine.

Pumayag si Georgina na mag-cover ng magazine na wala kahit anong suot, at kitang-kita pa ang kanyang malaking tiyan. Makikita `yon sa kanyang Instagram account.

Inamin ni Georgina na idol niya si Demi kaya nagpakuha siya ng naked. Pero, hindi raw naging madali ang pagpu-post ni Georgina dahil kinumbise lang siya ng photographer sa pictorial na ‘yon.

“Did a Demi @bjpascual. Thank you for forcing me to do this!! Hahaha I love youuuuu!”

Dalawa ang pinost na nude photo ni G­eorgina sa kanyang IG wall. Ang isa ay nakataas ang mukha habang hawak niya ang kanyang leeg, at ang isa naman ay nakatingin siya sa harap ng kamera.

Hubo’t-hubad man si Georgina, hindi naman nasilip ang kanyang private parts. Bukod sa naka-side view siya, natatakpan ng kanyang kamay at braso ang kanyang boobs.

Siyempre, humanga sa kapangahasan ni Georgina sina Isabelle Daza, Liz Uy, Solenn Heussaff,  Raymond Gutierrez, Tim Yap na nag-repost ng mga lara­wan niya sa kani-kanilang mga IG walls.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy