Una sa Balita

Push Mo Toh!: Jolina Magdangal, lungkut-lungkutan sa problemadong married life ni Melai Cantiveros!

By
0 149

Nalulungkot si ­Jolina Magda­ngal sa kinalabasan ng married life ng kanyang kaibigang si Melai Cantiveros at Jason Francisco. Although, naniniwala naman siya na maaayos din ito sa tamang panahon.

Ang isang ­bagay lang na ikinabibilib niya kay Melai ay kung paano niya dinadala ang kanyang problema.

Superhero nga raw ito dahil sa kabila ng matinding pinagdadaanan, nananatili itong professio­nal sa kanyang trabaho na maging sila sa taping o live show man ng Magandang Buhay sa ABS CBN ay hindi nila nahahalatang may dinadamdam ito.

Buhay na buhay pa rin nga raw ito sa harap ng kamera although minsan ay nararamdaman nila ang lungkot nito kapag break time. Malaking factor nga raw na magkakaibigan sila ni Karla Estrada na malaki ang ambag upang maging mas matapang na babae si Melai.

Oo nga ­naman, dahil kung iku­kumpara ang pinagdaa­nan ni Karla bilang single mom, aba’y wala pa sa kaling­kingan nito ang pinagdadaanan ngayon ng kanilang co-host/friend.

Nang makausap namin si Jolina sa 24th anniversary ng Star Magic pagkatapos ng ASAP noong Linggo, inalam namin sa kanya kung ano at paano naman nila trinatrabaho ang successful married life nila ni Mark Escueta na nasa pangatlong taon na ngayon.

Aniya, “Lagi kaming nag-uusap.

“Kahit yung mga ganyan, kapag may nangyayari sa kaibigan ko.

“Hindi lang naman si Melai, may mga non-showbiz friends din ako na nangyayari ang ganyan, pinag-uusapan namin.

“Alam mo ‘yon, kahit kami lang nag-uusap, ‘Ano kaya ang rota niyan? Saan kaya papunta ‘yan?’

“Pinag-uusapan talaga namin kasi, kung saamin kaya mangyari ang ganyan, ano ang gagawin namin?

“So ganoon.”

Hindi naman daw nawawala ang maliliit na tampuhan, o problema sa kanila, pero hindi natatapos ang araw na hindi nila ito inaayos bago pa lumala.

Lalo na nga raw na lumalaki na ang kanilang mga anak na ipinagmamalaki pa ni Jolens na halos dala­wang taon siyang nag-breast feed dito kaya ganoon na lang ang bonding at intimacy nilang mag-ina kasabay pa ang pagmamahal sa kanya ng kanyang asawa.

Oo nga naman, nakapanghihinayang na sa kanila mangyari ang nangyari kina Melai at Jason lalo na’t dala­wang beses silang ikinasal sa Tagaytay, noh. Anyway, prayers nga raw niya na sa kadulu-duluhan nito ay maging happy ending pa rin ang kaganapan sa married life ng MelaSon lalo na’t ipinaglalaban daw ng kanilang kaibigan ang ‘forever’ ng kanyang buhay.

Harinawa!

KathNiel at LizQuen ‘pinaka’ sa 24th anniv ng Star Magic!
Jericho Rosales, enjoy mag-PA sa mga baguhan!

Isang bonggang selebrasyon nga ang inihandog ng Sunday-musical variety show na ASAP para sa ika-24th Anniversary ng Star Magic noong Linggo.

Sa opening pa lang nito kung saan ipina­rada nila ang mahigit isang daan nilang talents na halos lahat ay naroroon para makisaya ay nagbigay na ­talaga ng sobrang saya sa audience na halos mabingi na kami sa sobrang tilian nila

Pinakamalakas pa ring sigawan ang natanggap ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) pero ­hindi rin nagpa­kabog ang mga tagahanga ng KimXi (Kim Chiu at Xian Lim) at DanRich (Daniel Matsuna­ga at Erich Gonzales) pero individually ay pinalakpa­kan din nang husto sina Bea Alonzo, Piolo Pascual, ­Jerico Rosales at Jodi Sta. Maria.

Natawa nga kami sa comment ng isa sa audience na, “Ba’t wala sina James Reid at Nadine Lustre? ­Inisnab na nila ang ASAP?’

Na sinagot naman ng katabi niya na, ‘Gagah, Star Magic talents ito, e, Viva naman ‘yong ­dalawa, ‘di ba?’”

Oo nga naman.

Anyway, pagkatapos ng kanilang production number sa ASAP, nagsipagpuntahan na ang mga talents sa sa 4th floor ng ELJ Building kung saan ginanap naman ang individual photo shoot nila para sa Star Magic Ball.

Very cooperative ang halos lahat na contract ar­tists na may kanya-kanyang paandar sa pictorials. At ang ­nakakatuwa nga rito, beso-beso silang lahat na para bang isang malaking pamilya na merong mga ate, kuya, ­neneng o bunso.

Ang nakakatuwa pa nito ay kinuha na ang pagkaka­taon ng Star Magic na halos lahat ay naroon kung kaya nagpa-pictorial na sila para sa taong 2017.

Si Jericho nga ang nag-astang PA sa mga baguhan na hindi muna umalis at siyang taga-abot sa isang prop na ginagamit ng lahat sa pictorial. Talagang ini-enjoy niya ang moment na ‘yon kasama ang mga baguhang miyembro ng Star Magic.

Pero, ang pinaka-Star ng lahat ay ang kome­dyanang si ­Alora na ini­alay ang isang buong segment na alter-­ego ng hinahanap nilang bagong star ng Kapamilya network kung saan si John ‘Sweet’ Lapus naman ang nag-annotate.

Anyway, tuwang-tuwa ang lahat ng bumubuo ng Star Magic mula sa mga namamahala at production people nito dahil isa na namang matagum­pay na celebration ang kanilang inihandog sa kanilang mga tagahanga.

Congrats and happy 24th Star Magic!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy