Una sa Balita

Push Mo Toh!: Janine Tugonon, ‘NAGHUBO’ sa pictorial!

By
Janine Tugonon
0 15
Janine Tugonon
Janine Tugonon

Going great guns na talaga ang international modelling career ng Miss Universe first runner up na si Janine Tugonon. Matapos na siya’y mapili bilang kauna-unang Pinay at Asian model para sa prestigious lingerie brand na Victoria’s Secret, heto’t isa sa labindalawang models na napili para sa international model competition na NU Muses.

Inanunsiyo ang pagkakapili sa kanya nitong October 1 lamang kung saan sobra ang katuwaan ng Pinay pride dahil isa ito sa magiging daan para sa pangarap niyang international fame at daan din para sa dream niyang maging isang Hollywood actress.

Kahit hindi niya inaasahan ito dahil wala raw siya sa kanyang sarili sa final casting nito, pero laking saya nga niya nang mapili siya.

Tsika niya sa kanyang IG post, “I thought I’m really bad during the testshot/final casting since I was having a bad day that day.

“But got a call from my agent a few days after and it was AMAZING!!!

“Thank you @numuses for including me!”

Ang NU Muses ay isang search for 12 ca­lendar models na ginawa ng Treats Magazine creator na si Steve Shaw at ang international photographer na si David Bellemere na naging photographer din ng mga magasing Vogue at Marie Claire, at ng Hermes at Lanvin.

Ang misyon nga raw nito ay para ibalik ang nakalimutang “classic art of nudity, to capture the e­legance and romance of a female form, worthy of gracing fine art galleries and walls.”

Ang mga nanalo rito katulad ni Janine ay magkakaroon ng nude photoshoot with David himself, 10,000 USD, a trip to Miami, USA para sa launch nito sa Art Basel, at mapi-feature sa December issue ng Treats Magazine at sa isang documentary.

Muli, siya lang ang nag-iisang Pinay na nakuha at mukhang siya rin ang nag-iisang Asyana, kung kaya nakaka-proud talaga ang achievements na ito ni Janine na marami pa rin ang nagsasabing siya dapat ang nanalong Miss U sa kanyang panahon.

Pagkatapos ng mga Pinay na sina Melanie Marquez, at Anna Bayle na nakilala world-wide bilang international models, si Janine na nga ang sumusunod sa kanilang mga yapak.

Go, girl! And good luck!

Charice, pakakasalan na si Alyssa!

Charice Pempengco
Charice Pempengco

Mukhang may plano na rin si Charice Pempengco na pakasalan ang kanyang dyowang si Alyssa Quijano. Nakaka-apat na taon na ang kanilang relasyon na dumaan talaga sa butas ng karayom bago ito natanggap ng kani-kanilang pamilya, pero sa panahong ito na ceasefire na ang lahat para sa kanilang dalawa, gusto na rin nilang i-level up ito.

Sinabi nga ng international singer na napag-uusapan na nila ito, at mukhang okey naman sa both parties, pero hindi naman agad-agad nilang gagawin ito.

Sa isang panayam nga sa kanya, sinabi niya na, “Magpo-four years na kami at kung may gagawin kami, siguro ay magpu-propose muna.

“Then, ipon muna bago na ang wedding. Nag-uusap na kami about that pero siyempre darating tayo diyan.

“Kumbaga, boring man pa­kinggan, doon na, parating na talaga.”

Dumating din naman sila sa tamang panahon na ang lahat ay unti-unti na ring natatanggap ng sosyedad.

Hindi lang naman sila ang non-conventional couple na nauwi sa kasalan kundi marami na rin.
Ang huli nga’y ang nakatakda ring pagpapakasal ng dating Bold Queen na si Rosanna Roces sa kanyang dyowang tiborsha.

‘Yun na!