Una sa Balita

PUSH MO TOH!: James, kalaway-laway sa bagong teleserye!

By
0 11

Hayan, buhay na naman ang berdeng dugo ng mga bekis at girlash dahil sa pagtiwang­wang ng 6-pack abs ni James Reid sa trailer ng Kapamilya teleserye na Till I Met You.

May bonus ‘pack’ pa care of naman ng baguhang si JC Santos na pumupukaw ngayon sa mga kalamnan ng ating kafatid dahil ‘yummy con corne’ rin nga raw etich.

Sa beach scene nga nilang tatlo with Nadine Lustre, sa syalang Santorini sa Greece, muli ngang ‘pinaglaway’ ni James ang mga may pagnanasa sa kanyang katawan na talaga namang ‘delicioso’ kahit saang anggulo mo tingnan.

Suwerte nga ang kanyang dyowang si Nadine?

For sure, superproud ito sa mga kinikilig sa kanyang BF na parang may self-balloon ito na, ‘Mamatay kayo sa inggit!’ Echos lang!

Kahit aminado si James na sa sobrang kaabalahan niya ay wala na siyang time for a regular work-out, pero talaga nga atang blessed siya with a good physique dahil pumayat man siya o tumaba ng konti, hindi naman lumalaylay ang kanyang muscles kaya nga intact pa rin ito.

Kung matatandaan, una ngang ‘nang-akit’ at naakit ang press people nang walang kiyemeng ipa­kita niya ang kanyang abs noon sa presscon ng Diary Ng Panget na talagang plus points kung kaya naging very interesting siya idagdag pa ang camera-friendly niyang fez value.

Sa OTWOL noon, silip lang sa bintana ng kanyang puwet at ‘karug’ ang inilabas na litrato, parang may pandemonium na sa social media. Kalurks, de vah?

Tapos heto, dagdag sahog pa nga si JC Santos na mukhang gustong makipagtalbugan sa kaseksihan ni James dahil game rin siya sa kung saan niya dapat kilitiin ang audience.

wapo rin naman siya pero iba kapag napukaw mo ang ‘kaelyahan’ ng mga utaw, devaness?

Hindi isang sexy teleserye ang Till I Met You, kun’di isang ‘love triangle’ base na rin sa press relea­ses na lu­malabas, pero para ga­wing isa sa selling factor ang ‘kanasa-nasang-body-wow’ ng dala­wang bidang lalaki, aba, panalo talaga etich.

Yum! Yum! Yum!