Una sa Balita

Push Mo Toh!: Gary V., tikom pa ang bibig sa ‘hiwalayang’ Gab-Tricia!

By
0 3

Wala pang official na statement, pero marami ang nagtatanong kung hiwalay na ba si Gab Valenciano sa kanyang asawang si Tricia Centenera. Katatapos pa lang ng kanilang first wedding anniversary kung saan dalawang beses silang ikinasal last year, pero ang posts nina Gab at Tricia sa kani-kanilang IG accounts ay nababahiran ngayon ng malisya at mga komentong nagtatanong kung naghiwalay na nga ang dalawa.

Isa sa mga posts ni Tricia ay may kinalaman sa pagsisimula dahil ayaw niya ng manloloko.

Ang eksaktong words ay, “Rebuilding because I don’t tolerate cheaters.”

Abante Hiring – IT dep

Bukod pa rito, may ni-retweet pa siya tungkol sa 5 Rules of a relationship tulad ng Stay Faithful, Make Them Feel Wan­ted, Respect Your Partner, Don’t Flirt With Others, and Make Time.

Parang ang lumalabas ay pinatatamaan niya ang kanyang asawa kahit simpleng quotes lang ang mga ito.

Sa kabilang banda, nag-post naman si Gab sa kanyang IG ng, “Life is a conti­nuous journey of struggle. Might as well live it by struggling strong.”

Kasunod pa rin nito ay ang pag-post niya ng litrato kasama ang kanyang ina na si Angeli Pangi­linan at bunsong kapatid na si Kiana na may caption na, “A pocketful of sunshine in the stormiest of days. I love you both with everything I am.”

Sa paghihimay ng netizens, lumalabas na para ngang may pinagdadaa­nan ang dalawa sa married life nila.

Wala pa ring sinasabi ang ama ni Gab na si Gary Valenciano, pero knowing na very Christian ang kanilang pamilya, marami ang nagsasabing sigu­radong aayusin nila ito.

AJ Dee, na-feature sa GQ UK!

Aj at Enchong Dee
Aj at Enchong Dee

Proud brother si Enchong Dee dahil na-feature ang kanyang nakatatandang kapatid na si AJ Dee sa GQ UK, ang kilalang men’s fashion magazine. Mismong ang Kapamilya actor ang nagbuking nito sa kanyang IG nung inilagay niya ang caption na, “Someone just got featured in GQ UK street style???? Proud of you and I hope one day you can make collaborations with UK and Philippine men’s fashion??? Please wag mo akong kalimutan kasi kapatid mo ako???”

Halos dalawang buwan pa lang nakakaalis si AJ sa Pilipinas para makapiling ang kanyang pamilya, pero gumawa na kaagad ito ng eksena sa ibang bansa. Nagkataon lang na naglalakad si AJ sa streets ng Oslo, Norway nang siya ay matiyempuhan ng go-to-street-photographer ng GQ na si Robert Spangle, at isinumite nga nito ang mga larawan ni AJ na lumabas sa Oslo Fashion Week Spring/Summer 2017 para sa kanilang The Best of  Streetstyle from Oslo Fashion Week.

Aba, hindi naman nakapagtataka for AJ dahil bago pa man ito sumabak noon sa local showbiz ay isa itong male fashion mo­del kaya japorms talaga ito.

Well, sana nga ay ma­ging magandang break ito sa kanya at magtuluy-tuloy siya kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataong maging isang international model, sa print man o sa rampa dahil deserving naman ito.

Steve Harvey, naka-kontrata as host sa Miss Universe Org.!

How true na namumoblema raw ngayon ang Tourism Secretary na si Wanda Teo tungkol sa kung ano ang gagawin niya sa darating na Miss Universe 2016 na may kinalaman sa host nito?

Ayaw nga raw kasi ni President Duterte na ang American TV host na si Steve Harvey ang mag-host din matapos nga ang kapalpa­kang ginawa nito sa nakaraang Miss Universe 2015 na naglagay sa alanganin kay Pia Wurtzbach matapos nitong i-anunsiyo ang ka­labang Miss Colombia as the winner.

Plano nga raw kausapin ni Secretary Teo ang Miss Universe Organization, pero ang problema nga ay nakakontrata si Steve sa kanila ng ilang taon bilang host nito.

Ayon sa balita, ang plano raw nito ay maglagay na lang ng isang Filipino co-host na mangga­galing sa media para raw hindi masyadong magalit ang ating pangulo.

Well, tingnan natin kung ano ang magiging final result sa usaping ito.

Samantala, binawasan na nga raw ang mga lugar na pupunta­han ng mga Miss Universe candidates para mapa­ngalagaan ang seguridad ng mga ito.

Nakatakdang sa apat na lugar na lang sa Pilipinas gagawin ang ilang segments ng nasabing beauty pageant para mai-promote ang ating tou­rism industry at ito ay ang Cebu, Davao, Iloilo at Ilocos Region na lamang.

‘Yun na!