Una sa Balita

Push Mo Toh!: Gabbi Garcia, nagpatakam sa Boracay!

By
0 13
Geoff at Maya
Geoff at Maya

Halloween aftermath tsika pa rin tayo dahil marami ngang celebrities natin ang sinamantala ang long weekend vacation para tumakas sa ating bansa at i-enjoy ang kanilang bakasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa labas nito.

Marami sa ating mga artista ay lumipad pa­puntang Hong Kong para mag-enjoy, samantalang ang iba nama’y Japan ang piniling puntahan.

Nag-Japan nga ang guwapong actor na si Geoff Eigenmann na first time na nag-travel kasama ang dyowa niya na si Maya, na sabi nga ay super-sweet doon. Tingin ko nga, para silang bagong kasal, na honeymooners sa Japan, dahil sa kalambingan nila, ha!

Sa Hong Kong naman nagpunta ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Ganun din sina Ruffa Gutierrez, Raymond, John Lloyd Cruz, at marami pang iba.

Gabbi Garcia
Gabbi Garcia

‘Yung iba namang celebs natin ay dito lamang sa ating bansa nag-celebrate either sa beach at out-of-town getaways katulad ng mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico na pumuntang El Nido, Palawan, Gabbi Garcia na nagpakasaya naman sa Boracay, na seksing-seksi, ha, at Janine Gutierrez na kasama ang mga kapatid sa Batangas, at ang iba nama’y nasa Capones Island katulad ni Ara Mina at iba pa.

Ang pagkakaalam namin, si Sunshine Dizon ay tumulak papuntang South para dalawin ang kanyang lola, samantalang si Derrick Monasterio ay sa Morong, Rizal lang pumunta kung saan nakalibing ang ilan sa kanyang relatives.

Melissa Ricks, hiwalay na sa dyowa?

Marami ang nagtatanong kung hiwalay na ba si Melissa Ricks sa kanyang boyfriend na si Charles Togezaki.

Si Charles din ang ama ng anak ni Melissa na si Kiera.

Sa pinakabagong IG post nga niya na kanya namang dinilete na pero na-save at nai-post din ng isang blog site, may hint nga ito na parang hindi maayos ang kanilang relasyon ngayon.

Wala pa namang kumpirmasyon dito ang Kapamilya actress pero sa ibang naging post niya noon, maraming netizens ang naga-speculate na mukha ngang may pinagdaanan ito sa kanyang personal na buhay.

‘Yung mga pasaring niya ay parang estilo rin ng mga ibang celebrity na nagkakaroon ng marital problems o sa kanilang lovelife.

More than a year na ang anak ni Melissa na isinama niya sa mahabang bakasyon niya sa US kasama ang kanyang pamilya pero hindi kasama si Charles.

Noong nakaraang linggo ay nag-post din si Melissa tungkol sa kung paano ang isang parent ay gumagawa ng extra effort para sa kanyang anak.

Dahil nga rito, mas lumalakas ang tsika na mag-isa niyang tinataguyod ang kanyang anak.

Oh, well.