Una sa Balita

Push mo Toh!: Derrick, type sundan ang ‘yapak’ ni Paolo B.!

By
0 9

First time na mag-host si Derrick Mo­nasterio ng isang beauty pageant kung kaya hindi talaga maiwasan ang tinatawag na first-time jitters. Siya nga ang naging male host ng Miss Global Philippines noong Sabado na ginanap sa Resorts World Manila na katuwang bilang host ang dating Miss Earth Philippines 2013.

Sa una ay halatang kinakabahan ang Kapuso actor pero as the pageant went along, nag-loosen up na rin ang bagets. Marunong na siyang mag-adlib at nasasakyan na ang tsikahan nila ng kanyang co-host.

“Dinadaga talaga ako sa simula. Kasi, straight English nga ang script at first-ever ko itong mag-host na ganito na pormal-pormalan.

“Pero habang tumatagal, umookey naman ako, ‘di ba? Talagang masyado akong conscious sa diction at pronunciation.

“Mahirap na, alam mo na, ang bashers,” natatawang tsika niya sa amin after the pageant night.

Natutuwa naman siya dahil na-discover din niya sa kanyang sarili na meron pala siyang talent sa hosting.

“Pandagdag raket din ito. Ha! Ha! Ha! Marami pa akong dapat i-improve, pero, magandang start ito.”

Idol ni Derrick sa pag­hu-host si Toni Gonzaga.

“Sa male naman, si Paulo Bediones. Napapanood ko siya noon, ang galing-galing niya,” tsika ni Derrick.

Cook book ni Juday, pang-international na!

Ang saya-saya ni Judy Ann Santos dahil world-class na rin ang kanyang cook book kung saan nasaksihan namin ang launching noon sa Makati. Natikman din namin noon ang mga paboritong pagkain na nasa Judy Ann’s Kitchen na simple lang talaga pero rock na rock sa lasa.

Kung puwede nga lang mag-take out noon ay ginawa na naming lahat dahil sa bonggang lasa ng mga ‘yun. Hindi nga akalain ni Juday na mapapansin ito sa international scene lalo na’t simpleng-simple lang ang atake niya sa cook book na ‘yun na very Pinoy ang dating.

Pero ‘yun nga, binigyan siya ng recognition sa nakaraang Gourmand World Cook Book 2016 kahilera ang mga mula sa Brazil at Malaysia. Ibig nitong sabihin ay well-appreciated kung anuman ang nasa loob ng kanyang cook book na inayos pa niya nung panahong buntis siya sa pangalawang anak nila ni Ryan.

Tsika nga niya sa kanyang IG na tala­gang halatang in cloud 9 siya dahil unexpec­ted ito para sa kanya…

“Oh my, tumalon ang puso ko!!! But, oh, wow, I am beyond grateful.

“To the whole team for making my dream come true, maraming-maraming salamat po!”

Pati ang kanyang dyowa ay hindi niya nakaligtaang pasamalatan.

“Thank you very much for believing in my passion,” sabi pa niya.