Una sa Balita

Push Mo Toh!: Daniel-Kathryn, parang Aga-Aiko noon!

By
0 8
aiko-melendez
AIKO MELENDEZ

Sobra ang pagha­nga ni Aiko Melendez sa KathNiel na mas higit pa nga raw sa husay ng dalawa sa pag-arte, ang nakita niya ay ang magandang pag-uugali nina Daniel Padilla at Kathyrn Bernardo.

Kasama si Aiko sa pelikulang Barcelona ng Star Cinema na sa buong panahon na magkasama sila sa shooting ay wala siyang masasabi kundi papuri sa da­lawa.

Ayon nga kay Aiko, “Ako, ang mas na-observe ko sa kanila ay ‘yung pag-uugali nila.

“Ako kasi, naniniwala ako na ang acting ay natu­tunan ‘yan, pero ang attitude ng isang tao, mahirap, ipeka ‘yan.

“With these two stars, ‘yung popularity nila.
“But, what humbles me is to see them na they don’t know na their that famous.
“Yung paa nila na la­ging grounded.

“That’s why, I’ve said this in my Instagram post, I gained a new baby girl in Kathryn.
“DJ (Daniel) will always have a special place in my heart.

“And I’ve always said this to Andrei na kung may iidolohin kang artista sa generation niyo, gusto ko si Daniel Padilla ‘yun.”

Nari-remind nga raw si Aiko ng relasyon nila ni Aga Muhlach na kauna-unahan niyang boyfriend.

“Nari-remind talaga ako ng that Aiko-Aga days sa May Minamahal (1983 movie nilang dalawa).

“Nakikita ko talaga ang sweetness nila at hindi natin sila masisisi kung may maramdaman sila na more than friendship as of now.

“Eh. ‘di ba, nagkaroon ako ng first boyfriend sa May Minamahal sa katauhan ni Aga dahil in love rin sina Monica at Carlito (roles nila sa pelikula) sa isa’t isa?

“Kaya naiintindihan ko ‘yung pinagdadaanan­ nila. Pero sana, huwag na maudlot yung sa inyo. Kasi sa amin naudlot.”

ana-capri
                ANA CAPRI

Sa kabilang banda, ganun din ang sinasabi ng kanilang co-star na si Ana Capri, na puring-puri naman ang pagi­ging thoughtful ni ­Daniel.

Sabi ni Ana, “Nung magkasakit ako, si Daniel­ binigyan talaga ako ng gamot.

“Ayaw ko ngang inumin, sabi ko, “Ah…’” na parang gusto na lang niyang itago bilang souvenir­ ‘yung gamot.

“Nakakatuwa kasi kung gaano sila ka-sweet sa screen, maski off-cam, sweet sila.”

Matagal na nga raw na fan si Ana ng KathNiel­  na nang minsan napadaan siya sa dala­wa ay hindi niya talaga napigilan na pag-selfie.

Tsika niya, “First time ko silang makita isang beses, parang nasa  location ako.

“Nagkataon na na­daanan ko sila, and kahit sobrang pagod ako, ‘wait lang pa-picture din ako.’

“Tapos nagulat ako na sobrang daming nag-likes talaga.

“Yung gabing ‘yun, hindi ako makatulog, kaya nang sabihin sa akin ang film na ito, sabi ko, ‘ Oo naman, go!”