Una sa Balita

Push Mo Toh!: Daniel as Lastikman, pinu-push ni Direk!

By
0 328

Bukol ni Daniel, inaabangan ng mga beki!

Pangarap ni Direk Frasco ­Mortiz na si Daniel ­Padilla ang gumanap bilang si ­Lastikman na pinasikat noong 2003 ni Bossing Vic Sotto sa movie version nito. Ang Mars Ravelo ­material na ito ay ginawa rin ng singer-actor na si Mark Bautista noong 2004 kasama si Sarah Geronimo.

Taong 2007 din ng i-portray ni Vhong Navarro ang fantaserye nito sa Kapamilya network.
Since property na ng ABS-CBN ang lahat ng Mars ­Ravelo stories, kaya malaki ang posibilidad na mapunta nga kay DJ ang nasabing Pinoy superhero character.

Ayon kay Direk Frasco nang makatsikahan namin ito sa last shooting day ng fantaseryeng My Super Dad, “Pinu-push ko kasi siya noon pa na mag-Lastikman pero di ko alam kung papayag pa siya ngayon. Siguro depende sa concept.

“Di ko alam kung game pa siya if ever na i-offer sa kanya.

“Siguro, depende sa istorya.

“Alam mo naman si DJ, kapag feeling niya ay gusto niya, gagawin niya. Siyempre, iingatan din niya ang image niya.

“Sasabihin niyang ‘Direk, parang ‘di bagay sa akin.”

Marami ang nagsasabi na bagay ito kay Daniel ­dahil sa character nitong matangkad na patpatin. Bukod pa rito, malaking pagbabago rin ito sa career path niya na sa ­ngayon ay nakatali pa rin sa KathNiel loveteam nila ni Kathryn Bernardo.

Malay nga natin, baka dahil sa mga sinabi ni Direk Frasco na hanggang ngayon ay si DJ pa rin ang first and only choice niya sa nasabing proyekto ay bigyan pansin ito ng mga namamahala sa career ni Daniel at give it a try.

Well, kung matutuloy ito, siguradong pagpipiyestahan ng mga beki ang ­bukol ni Daniel, dahil di ba, hapit na ­hapit ang costume ni Lastikman?

Eksena with Gary, ‘challenge’ kay Kiko Estrada!

Second time na makasama ni Kiko Estrada ang kanyang inang si ­Cheska Diaz sa isang ­proyekto kaya ­excited siya nang todo. Ito nga ay para sa ­Kapuso ­serye na Sinunga­ling Mong Puso kung saan mag-ina ang kanilang ­respective roles.

Pagdating nga raw nila sa bahay ay batuhan na sila ng dialogues kapag may oras pa. Nag-i-script reading daw sila kahit ­kumakain siya’t ­nagluluto ang kanyang mommy Cheska.

Ang tanong ng ­bayan ay kung kelan naman daw sila magkakasama ng kanyang amang si Gary ­Estrada sa isang proyekto? Hindi naman ito mala­yong mangyari dahil isa namang certified Kapuso actor si Gorio.

Kung sakali raw mangyari ito, malaking challenge ito sa kanya lalo na’t kila­lang magaling na artista ang kanyang ama. Mala­king pressure raw sa kanya ang kanilang pagsasama.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More