Una sa Balita

Push mo Toh!: Coleen, tanggap maging ‘utol’ si Daniel!

By
Coleen Garcia
0 11

Tanggap na ni Coleen Garcia na maging stepsister siya ng kapwa Kapamilya na si Daniel Padilla.

Nawi-weirduhan man siya sa sitwasyon pero okey lang sa kanya kung ganito talaga ang magiging kapalaran nila ni Daniel.

Matapos ngang mag-guest siya kasama ang kanyang amang si Jose Garcia sa Magandang Buhay at makantiyawan ito kay Karla Estrada na sinundan pa ng ‘pagdi-date’ nila sa Love Me Tomorrow premiere night, tila kulay rosas na ang paligid nina Karla at Jose na tinatawag na ngayong KarJo.

Para kay Coleen, wala naman siyang ibang inisip pa kundi ang kaligayahan ng kanyang ama na mula nang mabiyudo ito noong 9 years old pa lamang siya, tila ngayon lang ito ulit nagkakaroon ng inspirasyon bukod sa kanya.

24 years old nga si Coleen at imagine, 15 years nang ‘tigang sa pag-ibig’ ang kanyang ama, kung kaya inuunawa na rin niya ito kung sakaling i-pursue nito si Queen Mother.

Marami ang nababaitan sa ama ni Coleen na asikasung-asikaso siya kung kaya, marami ang nagsasabing magiging magaling itong partner in life ni Karla kung magkagustuhan man sila.

Wala pa rin naman tayong naririnig mula sa kampo ni Karla kung ano na ba sila ngayon ni Jose.

Kahit si Daniel ay hindi pa naman nagsasalita tungkol dito, pero marami ang naniniwala na ka­tulad ni Coleen ay hangad nito ang kaligayahan ng kanyang ina.

Teka, hindi ba may napapabalita noon na merong dyowa si Karla? Hindi man nila sinasabi ang pangalan sa press, pero inaamin niya noon na meron siyang inspirasyon. Anyare?

Anyway,abangan na lang natin ang susunod na kabanata sa pinabagong senior loveteam na ito sa showbiz. ‘Yun na!

Anyway, back to work na nga sina Coleen at Billy Crawford, matapos ang bonggang bakasyon nila sa Boracay. At yes, sa bawat sexy picture ni Coleen, ang ha­yop na abs niya ang napapansin ng followers niya.

Super hot ang sexy, at hayup sa abs! Ganyan siya i-describe ng mga male fans niya, ha!