Una sa Balita

Push Mo Toh!: Carrot Man Jeyrick, balik-BUKID na!

By
0 19

Hindi na rin daw na-follow up ni Carrot Man na si Jeyrick Sigmaton ang pangako sa kanya ni Willie Revillame na tutulu­ngan siya sa kanyang pag-aaral. Hindi rin daw niya alam kung sino ang kakausapin niya tungkol dito pero parang nahihiya na rin siya kay Willie.

Kung matatandaan, pinangakuan siya noon ng Wowowin host na tutulungang mag-aral matapos silang magkaharap ng personal. Sobrang idolo ni Jeyrick si Willie kaya mala­king katuparan sa kanya na magkaharap at magkausap sila.

Anyway, dahil hindi siya nakapag-enroll nga­yon, tinutulungan na muna niya ang kanyang mga kapatid sa pag-aaral. Sa manaka-nakang raket niya sa showbiz, nabayaran niya ang tuition fees ng mga ito.

Pangarap nga raw niyang mapagtapos ito ng pag-aaral kahit hindi na muna siya.

Samantala, bumalik na muna si Jeyrick sa kanilang lugar para tumulong sa pag-ani ng mga gulay. Pero, kung may raket sa showbiz, okey lang naman sa kanya ang bumaba sa Maynila.

Sa ngayon ay tuwang-tuwa siya dahil mapi-feature ang kanyang lifestory sa Magpakailanman. Nakunan na ang interview sa kanya ni Mel Tiangco sa Baguio City.

Si Jake Vargas ang gaganap bilang si Carrot Man kung saan marami ang natutuwa dahil bagay na bagay ito sa role. Ilang araw ding nag-taping si Jake sa Trinidad Valley para sa nasabing episode.

Director, nawalan ng gana sa aktres na sobrang taas ang TF!

Nadismaya ang isang direktor sa isang actress dahil sa laki ng talent fee na hinihingi ng manager nito para sa isang week-end show. Sikat din kasi ngayon kaya siguro ay nagpapahabol ang manager nito. ‘Yung tipong take it or leave it ang drama.

Gustung-gusto raw nila na ito ang gumanap dahil swak dito ang role pero umatras nga raw ang direktor. Nalula nga raw ito sa ibinigay na presyong parang ayaw magpakuha.

Isang magaling ding actress ang kanilang ipinalit na tama lang sa budget nila ang presyo.