Push Mo Toh!: ‘Astig’ na utol ni Aljur, ‘thumbs down’ sa panlasa nina Aga, Vice! 

Anak ni Marco Sison, ‘ligwak’ sa Pinoy Boyband…!

By

Pinabilib din kami ng mga hurado ng Pinoy Boyband Superstars na sina Aga Muhlach, Vice Ganda, Sandara Park at Yeng Constantino. Kasi nga, kahit alam nilang kapatid nina Aljur at Vin Abrenica ang contestant na si Allen Abrenica at ang anak naman ni Marco Sison ang isa pang contestant na si Angelo Marco ay ‘tsinugi’ pa rin nila ang mga ito dahil nakukulangan pa sila sa talento ng da­lawa kahit pormang pang-boyband din naman.

Parehong nakalusot ang dalawa sa unang step kung saan sila ay ibinoto ng mga female audience upang makaharap sa mga hurado.

Unang impresyon pa lang namin kay Allen, medyo naaastigan na kami sa kanyang dating.

Hindi namin alam kung nahihiya siya o may feeling na siya dahil kapatid nga siya nina Aljur at Vin. ‘Yun nga lang, nang kumanta na ng ‘Wag Na Lang Kaya ng True Faith, ramdam na namin na thumbs down ang kalalabasan nito dahil  sa totoo lang, hindi ganun ka-outstanding ang boses niya.

Nanghihinayang lang kami dahil nag-stop talaga siya ng kanyang pag-aaral dahil pakiramdam daw niya ay para sa show na ito ang destiny niya. Hays talaga!

Sumunod naman ay si Angelo na anak nga ng heartthrob singer na si Marco Sison. Guwapo rin naman ito kaya mas mataas ang expectation namin sa kanya dahil anak nga siya ng isa sa may pinakamaraming hits na OPM ng kanyang panahon at dating champion ng Student Canteen.

Pero, nang kantahin na nito ang hit song ng kanyang daddy na Make Believe, napanganga talaga kami. Napanganga kami sa panghihinayang dahil alam kong hindi ito papasa sa taste ng ilang judges.

Halatang binigyan siya ng konsiderasyon nina Aga’t Vice lalo na’t kasama ni Angelo ang kanyang ama, pero parehong nag-‘No’ sina Yeng at Sandara.

Tama lang naman, dahil baka ulanin sila ng mga bashings kung ipinasa nila ang dalawa dahil sa totoo lang, mas marami ang mas talented at pormang pamboyband in the past na hindi nakapasa sa kanila.

‘Yun na!


Gerard Salonga, asst. conductor na ng HK Orchestra!
Lea, proud sister!

Lea Salonga
Lea Salonga

Hindi maitago ni Lea Salonga ang sobrang pagi­ging proud niya sa kanyang kapatid na si Gerard Salonga dahil sa panibagong achievement nito sa sarili niyang career bilang isang conductor.

This time, pang-international na ang galing nito sa pagku-conduct ng isang philharmonic orchestra. Sa IG post nga ng world-renowned singer, ibinahagi niya ang kanyang kaligayahan kay Gerard nang ma-appoint ito bilang Assistant Conductor ng Hong Kong Philharmonic Orchestra.

Bongga, devah?

Sino nga ba naman ang hindi magiging proud na sisteret na makita ang kanyang brother na napapansin na rin internationally, huh? Kaya nga ang hashtag ni Lea ay #ExcuseMe #ProudAteLangPo.

Oo naman, go ahead Ms. Lea dahil isang bagay nga ito na dapat kang maging proud, noh!

Currently, si Gerard ang musical director ng ABS CBN Philharmonic Orchestra na kung ilang beses na niya kaming pinahanga sa kanyang pagkukumpas ng kamay, pagyugyog ng katawan kung kinakailangan upang masundan ng ating mga musician ang tamang saliw ng musika habang kumakanta ang ating mga mang-aawit.

Sa comment section kung saan kinu-congratulate nga si Gerard, marami ang nagwi-wish na after ng kanyang Hong Kong stint, sana naman daw ay sa USA o Europe naman ang maging break niya.

Why not?

SHARE