Una sa Balita

PUSH MO TO!: Reaksyon ni Kris Aquino sa bagong kapatid ni Bimby inaabangan

By
0 237

Inaabangan na ng publiko ang magiging reaksiyon ni Kris Aquino sa panganganak ni Michela Cazzola, live-in partner ng kanyang ex-husband na si James Yap.

Isang bouncing baby ang iniluwal ni Michela noong Lunes, August 8 na kung saan ay papangalanan daw nila itong Michael James na  pinaghalong pangalan nila ng kanyang dyowa.

Si ‘Michael James’ ang pangatlong anak ng PBA superstar.

Ang una ay mula sa kanyang past relationship, at ang pangalawa nga ay si James Jr. na mas kilala bilang si Bimby na anak niya kay Kris.

Anyway, gusto pa rin daw ipakilala ni James ang kanyang pinakabagong anak kay Bimby sa lalong madaling panahon kahit matagal na nga raw silang hindi nagkikita nito.

Magandang move nga raw ito for James para mas maaga ay makilala na ni Bimby ang kanyang kapatid para magkaroon sila ng magandang sibling relationship. In the first place,  kahit anuman ang sabihin ay magkadugo sila.

Michela at James
Michela at James

Sa parte naman siguro ni Kris ay masaya naman siya para sa dalawa, dahil kahit noong buntis pa si Michela ay wini-wish well naman niya ito.

Halata namang proud father talaga si James dahil nakalalaki nga naman uli siya.
Ito talaga ang wish niya noon na magkaroon pa siya ng isang anak na lalaki dahil sa biro nga niya ay gusto niyang magkaroon ng isang basketball team.

Matteo Guidicelli inspirado kahit nahirapan sa triathlon

Unlike last year, walang Sarah Geroni­mo ang sumalubong kay Matteo Guidicelli nang dumating siya sa fnishline ng Cobra Ironman 70.3 Asia-Pacific Triathlon sa Cebu.

Noong nakaraang taon kasi, pinag-usapan ang pagsalubong sa kanya ng kanyang dyowa at binigyan siya ng isang power hug nang duma­ting siya sa finishline.

Matteo Guidicelli
Matteo Guidicelli

Nagkataon naman na sa taong ito ay nasa abroad pala si Sarah at nagbabakasyon kaya hindi niya nasamahan si Matteo.

Samantala, inamin ng Kapamiya actor na nahirapan siya na tapusin ang triathlon sa taong ito dahil halos dalawang linggo lang ang kanyang preparasyon rito. Hindi raw siya nagmadali na matapos ito kaya dahan-dahan niyang tinapos ito sa oras na limang oras at 30 minutes.

Isang malaking inspirasyon sa kanya ang patsi-cheer at magbu-boost ng morale sa kanya ng mga Cebuano kung kaya kahit gusto na lang niyang maglakad para lang matapos ay hindi niya nagawa at dahan-dahan na lang siyang tumakbo.

Naging emosyonal nga raw si Matteo habang papauwe sa Manila dahil naaalaala niya ang suportang ibinigay sa kanya ng mga Cebuano. Malaking bagay nga raw ito sa isang atleta lalo kapag pinanghihinaan na ang katawan at loob.

Sa kabila ng kapaguran niya ngayon, sasali pa rin daw siya sa susunod na taon dahil lagi naman niya itong pinaglalaanan ng oras  dahil anim na taon na siyang sumasali at isa ito sa talagang gusto  niyang gawin bukod sa pagkanta at pag-arte.

Bukod pala kay Matteo, sumali rin ang mga sikat na actor na sina Pio­lo Pascual at Dingdong Dantes na pareho ring athletics.

Ang male celebs nga raw na ito ang isa sa dahilan kung bakit laging buhay ang nasabing event dahil lagi siyang pinagkakaguluhan ng mga tao.

Elisse Joson ng PBB, hindi raw two-timer

Elisse Joson
Elisse Joson

Itinanggi ni Elisse Joson, ang dating housemate sa kasalukuyang PBB na isa siyang two-timer.

Hindi raw niya pinagsabay ang relasyon niya kay Jerome Ponce at sa isang non-showbiz guy.

Ito ay bahagi ng tsikahan nila ni Boy Abunda nang-guest siya sa Tonight With Boy Abunda nitong Lunes.

Ayon sa kanya, kung nakipag-date naman siya,’ ‘yun ay dahil wala na sila ng Kapamilya actor kahit wala itong naging closure noon.

Masaya nga raw siya na nung ma­ging guest housemate si Jerome ay nag-usap sila ng maayos kung saan pormal niyang tinanggihan ang parang gusto pa nitong dugtungan ang kanilang nakaraan.

Maging ang naging involvement niya kay James Reid ay ayaw na rin niyang pag-usapan dahil baka mas lalo pa siyang ma-bash. Itinanggi niya na naging sila ng boyfriend ngayon ni Nadine Lustre at hanggang dun lang ang gusto niyang sabihin.

Ang tungkol naman sa kanila ni Mccoy ay kanya ring itinanggi.

Para sa kanya, isang totoong gentleman daw ang Hashtag member na nasa loob din ngayon ng Bahay ni Kuya. Hindi lamang daw ito sa kanya ganun kundi maging sa kahit kanino mang babae.

“He’s really nice,” ang ta­nging naikumento niya sa gitna ng tsikang nagkakadebelopan na sila at me­ron nga raw chemistry ang kanilang ‘loveteam.’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy