Una sa Balita

PUSH MO TO!: Kris A. sa GMA, suportado ng mga kaibigan!

By
0 3

Umiikot na nga ang balitang lumipat na ng management ang TV host/actress na si Kris Aquino. Ang huli ngang sabi ay miyembro na siya ng APT Entertainment (na pag-aari ni Mr. Tony Tuviera, na siya ring producer ng longest-running noontime na Eat Bulaga).

Ang APT ay identified sa Kapuso network. Pero, wala pa namang pormal na anunsiyo tungkol dito, pero one of these days nga raw ay ito ang bubulaga sa social media and prints. Wala pa ring official statement na nanggaling sa kampo ni Tetay tungkol sa tsikang ito.

Sa pakikipagtsikahan namin sa isang malapit kay Kris na ayaw magpakilala, nasabi niya na kung anuman ang naging desisyon ni Kris tungkol sa kanyang career ay sinusuporta­han niya.

“Sure na ba ‘yan? Okey lang.

“Kung saan siya masaya, ‘di ba?

“Eversince naman, we don’t talk about careers.

“Wala akong masabi, pero kung saan siya masaya, support lang ako,” sabi nito.

Dugtong pa niya, “Ganu’n talaga ang buhay.

“Of all people, ako ang makakaintindi niyan.

“Ngayon talaga, mahirap magsalita nang patapos, siguro naman all artists would agree sa sasabihin ko na ‘pag wala kang kontrata sa isang network, at lalong wala kang trabaho, walang masama na ikaw ay lumipat.

“Kung may nag-offer, at ‘yong iba pa nga’y nagpaparinig. Kasi, ganun talaga, lalo na wala kang trabaho.”

Sa tingin ba niya, wise decision ito para sa Queen of All Media?

“My God, Kris Aquino is a survivor. Kahit saang network ‘yan, she will survive.

“Talented naman ‘yan, and she deserves a show. I’m sure, nami-miss na rin ‘yan ng mga fans niya.”

Julia, mas type ka-love team ang sarili!

Julia Montes
Julia Montes

Sa mga young star ngayon, maitutu­ring si Julia Montes na isa sa bongga ang career na hindi naka-hook up sa isang loveteam ang tagumpay nito. Kahit pinapares at nili-link siya kay Coco Martin, hindi pa rin opisyal ang kanilang loveteam, na hindi tulad sa KathNiel, JaDine, LizQuen at iba pa.

And yet, umaariba nga ang TV projects at patuloy na tinatangkilik ang kanyang Doble Kara na isang taon na pala ang itinatakbo mula ng magsimula itong mag-ere noong Agosto of last year. Kaya, nang makatsikahan namin si Julia sa set visit ng Doble Kara, inalam namin sa kanya kung ano ang masasabi nya tungkol dito.

“Napakasuwerte ko po na makatrabaho starting noong Mara Clara. Doon po talaga nag-start ‘yung realization na grabe ang blessing ni Lord, hindi ko ini-expect na mapupunta sa akin ‘yung role.

“Pagkatapos noon, nabigyan naman ng Walang Hanggan, tapos, nagtuluy-tuloy. Until now, lagi kong sinasabi kapag may inu-offer, lagi kong sinasabi na, ‘Talaga po?’

“Tapos kinakabahan na ako niyan, hangga’t di pa maging okey ang lahat. So, lagi akong nagpi-pray na maging okey.”

Hindi ba siya naiinggit sa mga may ka-loveteam? Iba nga naman ang kilig factor na dating nito sa mga manonood.

“Suwerte ko. Katulad ngayon sa Doble Kara, ang ka-loveteam ko ay ang kakambal ko which is ako pa rin po. So, wala, wala akong masyadong iniisip, wala akong masyadong pressure,” sey niya.

Ano naman ang advantage niya na isa siyang solo artist?

Ayon kay Julia, “Mas nai-explore ko yong mga katrabaho ko kasi marami akong nakaka-partner lalo na sa show na ito na per character ay may mga ka-partner.

“Marami akong natututunan bawat eksena sa mga artista. Pero, ‘yung mga may ka-loveteam, hindi naman po sila nali-limit.

“Meron lang si­gurong genre na iikutan po, at yung partner nila, ang nai-explore nila.”