Una sa Balita

PUSH MO TO!: James-Nadine ‘unguarded sweetness’ sa Greece, mega-kilig talaga!

By
0 148

Naglalabasan na ang mga litrato nina James Reid at Nadine Lustre na kuha sa Greece bilang bahagi ng location shoot ng Kapamilya teleserye nilang ‘Till I Met You, ang follow-up serye ng kanilang very successful na On The Wings of Love.

Sa isang video na in-upload ng isang fan sa YouTube na isa sa mga nakisiksik sa pagdating ng dalawa sa airport ay kita nga kung paano sila dumugin ng ilan sa mga ito na talagang inabangan ang kanilang pagdating.

Dinig namin sa video ang tila pigil na pagkakagulo nila, at pagtawag sa dalawa at pag-request ng photo op.

Halata namang magiliw sina James at Nadz sa kanilang mga tagahanga kung saan kuma­way naman sila, ngumiti at pinagbigyan sandali ang picture-taking kahit halatang pagod na mula sa mahabang biyahe.

Naka-simpleng day dress at clothes lang ang dalawa kung saan si Nadz ay nakasalamin pa at naka-cap naman si James.

Na-post din ang mga ibang larawan nila kasama ang ibang cast members katulad ni JC Santos, at mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Halatang nagkaroon ng fun day ang mga fans nilang nasa Greece dahil nakapiling nila ang kanilang mga idolo.

Sa isang park ito kinunan kung saan nakasakay sila sa bicycle at kung saan ay binibigyan sila ng instructions ng kanilang direktor na si Antoinette Ja­da­o­­­ne.

Sa first taping day nila, nag-upload din ng photos ang kanilang mga tagahanga kung saan kinukunan ang light moments nina James, Nadine at JC na best of friends sa istorya.

Halatang kilig na kilig ang mga fans sa dami nilang pinu-post na pics together kasama ang JaDine na nakakatuwa nga ang comments nila lalo na sa mga sobrang nagagwapuhan kay James na pati balbon nito sa legs ay pinapansin nila.

Pati nga ang unguarded sweetness ng dalawa ay hindi nakaligtas sa kanila at kilig na kilig sila sa sobrang pag-aasikaso ni James sa kanyang dyowa na tila mas relax sa taping dahil kahit may Pinoy fans sila ay walang gaanong pressure dahil deadma naman sa kanila ang mga Grego na nagtataka siguro kung bakit pinagkakaguluhan ang dalawa.

Kuwento ng buhay ni Badjao Girl Rita Gaviola, makadurog-puso…

Rita Gaviola
Rita Gaviola

Very inspiring nga ang kuwento ng tinaguriang ‘Badjao Girl’ na si Rita Gaviola na ngayon ay bahagi na ng PBB Lucky 7 Teen Edition. Kung matatandaan, matapos maging viral noon ang tinawag namang si ‘Carrot Man’ na si Jeyrick Sigmaton ay naging trending naman ang litrato ng 13-year-old na si Rita na nakunang nanlilimos sa Pahiyas Festival bitbit ang kanyang batang kapatid.

Kung si Carrot Man ay nabigyan ng pagkaka­taong maging image model ng isang shirtline kasabay ang ilang TV guestings, si Badjao Girl naman ay na­bigyan din ng pagkakataong makapasok sa showbiz sa pamamagitan nga nitong PBB Lucky 7 Teen Edition.

Sa isang episode kung saan ay nagkaroon siya ng sha­ring moments kasama ang mga bagong teen housemates sa Bahay Ni Kuya, halos madurog nga ang puso ng mga ito habang pinapakinggan nila ang kuwento ni Rita bago pa man siya nadiskubre.

Ayon nga sa kanya, bata pa lamang siya ay naranasan na niya ang magpalipat-lipat ng mga lugar at bahay para lamang maghanap ng ikabubuhay.

Mula Zamboanga ay pumunta nga raw sila sa Lucena City upang manlimos kung saan suwerte naman siyang nakunan ng litrato ng isang Topher Burgo na siyang nagpabago sa kanyang buhay ngayon.

Isa nga siyang inspirasyon ngayon sa ibang minorities na katulad niya dahil, sa totoo lang, marami ring undiscovered talents sa lahi nila katulad na lang doon sa isang Badjao din na kinagiliwan ni Vice Ganda dahil sa ga­ling nitong kumanta at sumayaw.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy