Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pusa nagpositibo sa COVID

0 163

Nakumpirma ng mga awtoridad sa South Korea ang kaso ng coronavirus sa alagang pusa.

Ayon kay Prime Minister Chung Sye-kyun, sa nakaraang tracking natuklasan ng mga health authority na positibo sa COVID-19 ang pet na isang pusa.

Nabatid na ang nasabing pusa ay nasa isang religious facility sa Jinju, South Gyeongsang Province. Hinihinalang nagmula sa mag-ina na amo nito ang virus makaraang una silang magpositibo.

Pinag-aaralan na ang posibilidad na mahawa ang tao mula sa positibong kaso ng hayop.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.