Una sa Balita

Puro travel daw kasi Alden sinisi sa nabasurang movie with Maine

By
0 2,416

Nakakatawa ang isyu na kesyo mas gusto pa raw ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang mag-travel kesa ang makasama ang kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Sabi nga ng mga netizens lalo na sa mga naka-free data lang, ‘basa-baba rin.’ Siyempre, nag-react na kaagad ang fans dahil sa lumalabas na isyung ‘yun which is actually, NOT an issue at all.

Totoong maraming out-of-the-country travels si Alden ngayon, lalo na sa first quarter ng taon. Ang dahilan, puro mga out-of-the-country shows na ngayon lang talaga nagawang matanggap at ma-schedule ni Alden na ‘yung iba sa mga ito, as in, taon na ang hinintay para makakuha ng slot sa actor.

So, halos work related ang dahilan ng pag-alis ni Alden at hindi ‘yung parang ini-insinuate na kaya ito umaalis, para lang makaiwas kay Maine, huh! Bilang Kapuso actor, naiimbitahan ito sa different parts of the world to perform. Ka­tulad na lang din ngayong April 7 & 8 kunsaan, makakasamang muli si Alden sa GMA Pinoy TV’s Sikat Ka, Kapuso sa New Jersey (Newark Symphony Hall) at sa Toronto (Sony Centre for the Perfor­ming Arts). Kasama rin ni Alden dito sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at Betong Sumaya.

May mga nagagalit na fans dahil bakit daw hanggang ngayon, parang walang linaw kung matutuloy pa ba ang movie nina Alden at Maine. ‘Di kaya ang dapat nilang tanungin o sisihin ay ang producers kung ano na nga ba ang nangyayari? Hindi ‘yung pati ang pagka-delay o kung anuman ng movie, kay Alden ang sisi? Kalowka!

Sigurado naman kasi na kapag may totoong schedule na para simulan ang pelikula, siguradong ito ang ipa-prioritize ng actor, as well as Maine rin naman.