Una sa Balita

Puro suntok inabot ni Pacquiao — Marquez

0 1,756

KUNG si Mexican le­gend Juan Manuel ‘El Dinamita’ Marquez ang tatanungin, ang dapat na itinanghal na panalo sa huling laban ni Senator Manny Pacquiao ay si Keith ‘One Time’ Thurman.

Nakakuha ng split decision victory si Pacquiao sa July 20 (Hulyo 21 sa Pilipinas) sa WBA welterweight championship nila ni Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas.

Pero tingin ni Marquez, dapat panalo si Thurman.

“Manny looked good but he’s getting hit a lot,” sambit ni ‘El Dinamita’ sa panayam sa kanya sa Nevada Boxing­ Hall of Fame 2019 class.

Umingay at bumango ang pangalan ni Marquez nang patumbahin nito ang Pinoy ring icon sa natitirang isang segundo ng 6th round sa kanilang fourth encounter noong 2012.

Ngunit kahit na tila pumabor ang Mexican legend sa 30-anyos na si Thurman ay humahanga pa rin ito sa 40-anyos na si Pacquiao. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy