Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Puring-puri nina Iwa, Jodi: Pampi Lacson mapagmahal, responsableng ama

0 50

Madalang talaga tayong makakita ng mga celebrity na mag-ex, at magkasundo, o magkaibigan pa rin.

Bukod kina Pops Fernandez-Martin Nievera, Ogie Alcasid-Michelle Van Eimeren, pareho rin ng sitwasyon sina Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson, anak ni Sen. Ping Lacson.

At kaaliw na pareho rin ang sitwasyon nina Regine (present ni Ogie) at Michelle (ex ni Ogie), Jodi (ex ni Pampi) at Iwa Moto (present ni Pampi), ha!

Dahil Father’s Day nga (June 20, Sunday), may paandar si Iwa kay Pampi.

“Happy father’s day to the best dad ever… I am amazed on how good you are to our kids. We are lucky to have you. Thank you for guiding us everyday. You have given me 3 wonderful kids to love and take care and for that I will be forever grateful to you mahal. We love you dada @iampampi,” sabi ni Iwa.

At sa Instagram post na `yon ni Iwa, mababasa rin ang pagbati ni Jodi kay Pampi.

“Happy Father’s Day Pampi! 🙂 iampampi!” sabi ni Jodi.

Si Jodi ay may anak kay Pampi, si Thirdy Lacson, na gumagawa na rin ng pangalan ngayon sa Tiktok, ha!

Puring-puri nga nina Jodi at Iwa si Pampi bilang responsableng ama (kina Thirdy, Mimi, Caleb.

Siyempre, nagpasalamat naman si Pampi sa kanyang mahal na si Iwa.

“Thank you mahal and ako dapat mag thank you sayo. Mahal na mahal kita @iam_iwa,” saad ni Pampi.

Mababasa rin ang pagbati ni Pampi sa kanyang ama na si Sen. Ping Lacson.

“Happy Fathers day daddy! @iampinglacson!” say ni Pampi sa photo ni Sen. Ping na makisig na makisig.

Oh, di ba? Ang bongga! (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.