Una sa Balita

Purefoods sibak ulit sa Alaska

0 271

Jerry Codiñera

USAPIN ngayon ang mga free agent sa iba’t ibang koponan sa NBA.

Ang aking pakiramdam ay excitement ng mga NBA fan kung saan babagsak ang kanilang iniidolong players lalo na si two-time Finals MVP Kawhi Leonard ng Toronto Raptors na magiging free agent ngayong taon, kay Anthony Davis ng New Orlean Pelicans na na-trade na papuntang LA Lakers at ang No.1 pick ngayong taon na ang halimaw maglaro na si Zion Williamson na malamang sa New Orleans babagsak, kasunod sina Jimmy Butler ng Philadelphia Sixers at Kyrie Irving ng Boston Celtics.

Trabaho lang walang personalan pagdating sa pro sports tulad ng NBA. Para ka lang commodity sa mundo ng NBA dahil ito ay negosyo. Limpak-limpak na salapi ang pinag-uusapan dito, endorsements at direction ng bawa’t koponan.
Relax lang fans dahil maraming mahinang teams o “non performing teams this year” sa NBA ngayon na lalakas next season dahil sa matinding offseason trade na mangyayari.

***
Sa ikatlong pagkakataon, sibak na naman ang Purefoods Tender Juicy Hotdogs Legends sa Alaska Milkmen. Dumikit lang ang score sa umpisa pero nu’ng tumakbo at humapit na si Johnny Abs, ‘The Jet’ Cariaso at Willie Miller ayun iniwanan na ang Purefoods.

Sa totoo lang, ang pinakamaraming matanda ay ang Purefoods sa kadahilang mga 7 ang nasa edad na 50 na kaya dehado talaga sa laro ang ating mga kasama.

Hindi rin nakakalaro si Ronnie Magsanoc dahil siya din ang emcee ng laro. Hindi makumpleto ang team dahil sa mga commitment ng ibang players sa kanilang trabaho. ‘Ika nga “no excuses “ enjoy lang at para sa fans ito at sa samahan ng PBA Legends.
***
Puspusan na rin ang preparasyon ng ating atleta sa darating na SEA Games. Sana matapos na rin ang walang kamatayang gulo sa POC, PSC at NSA.
Nalalagay ang mga manlalaro sa alanganin sa hidwaan ng matataas na opisyales.

Ano ba ang meron diyan sa NSA, POC at PSC na grabe ang away sa panunungkulan?

Tanong lagi ng mga panatiko sa sports ay kung malaking pera ba ang involve sa away o pure power lang?

Maraming sports association na napag-iiwanan na masyado dahil walang alam ang namumuno.

Isang malaking “HAYNAKO” na naman ang ating sports kapag nagkataon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy