PUP PROF NATAGPUANG PATAY

By

Dahil sa masangsang na amoy kaya nadiskubre ang bangkay ng isang PUP professor sa loob ng kanyang bahay sa Barangay San Antonio, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Ayon kay SPO1 Marvin Masangkay, imbestigador ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang biktima ay nakila­lang si Roxel Aprueba y Alegre, 57, binata, ng No. 175 West Riverside St., Brgy. San Antonio.

Sinabi ni SPO1 Masangkay, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang bahay dakong alas-10:30 ng gabi makaraang ipaalam ng kapitbahay ng biktima kay Fire Officer Rodel Florez ang tungkol sa masangsang na amoy na nagmumula sa bahay ng biktima.

Kasama ni Flores ang mga miyembro ng Barangay, pinuntahan nila ang bahay ng biktima at dito nadiskubre ang halos naagnas na umanong bangkay ng biktima.

Agad ini-report ang insidente sa mga awtoridad at base sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), wala umanong nakitang anumang sugat sa kata­wan na palatandaang nag­­karoon ng foul play sa pagkamatay nito.

Wala rin umanong palatandaan na pinasok ng magnanakaw ang bahay dahil intact parin ang mga personal na gamit.

Walang nabanggit kung may kasama ang biktima sa kanyang bahay o mag isa lang itong naninirahan. Dinala ang bangkay ng biktima sa PNP Crime Laboratory para ma-autopsy.


SHARE