Una sa Balita

Puno ng galit at frustration

0 1,026

HI Dra. Margie: (Shortene­d version of May 1 letter)

Nasa sitwasyon ako na andaming lama­n ng isip ko andami­ kong gustong gawin sa­bihin at mangyari pero bakit wala akong maumpisahan? Bakit pakiramdam ko an­dami kong galit at frustrations sa katawan at sa buhay.

Related Posts

Bakit may mga taong mas uunahin pa ang iba kesa sa sa­riling kadugo? Ang pinapag-usapan ko po ay ang tatay ng anak ko.

Hindi ba niya nakikita ang effort na ibinibigay ng anak niya para lang mapasaya siya na imbes na siya ang nagsasakripisyo para sumaya ang anak niya ay totally baliktad ang nangyayari? Anak niya ang nagbibigay-daan, nagsasakripisyo kahit na alam ko at na­raramdaman ko na hindi masaya ang bata, basta ang importante mapasaya lang siya ng bata at ma-appreciate niya ang bata. Bakit ganun? Tao pa ba ito?
— GRACE