Una sa Balita

Puno ng galit at frustration (4)

By
0 1,037

HI Dra. Margie: (Shortene­d version of May 1 letter)

Nasa sitwasyon ako na andaming laman ng isip ko andami kong gustong gawin sabihin at mangyari pero bakit wala akong maumpisahan? Bakit pakiramdam ko an­dami kong galit at frustrations sa katawan at sa buhay.

Bakit may mga taong mas uunahin pa ang iba kesa sa sariling kadugo? Ang pinapag-usapan ko po ay ang tatay ng anak ko.

Hindi ba niya nakikita ang effort na ibinibigay ng anak niya para lang mapasaya siya na imbes na siya ang nagsasakripisyo para sumaya ang anak niya ay totally baliktad ang nangyayari? 

Anak niya ang nagbibigay-daan, nagsasakripisyo kahit na alam ko at na­raramdaman ko na hindi masaya ang bata, basta ang importante mapasaya lang siya ng bata at ma-appreciate niya ang bata. Bakit ganun? Tao pa ba ito?

— GRACE

Dear Grace:

Maraming salamat sa sulat mo na una na­ting pinublish noong Mayo 1. Sa hu­ling kolum natin noong nakaraang Sabado, Mayo 5, sinabi ko na, kung mayroon kang tunay na problema sa pagtrato ni Rolly sa anak ninyong si Michael, mas mabuting mayroon kayong isa pang taong pinagkakatiwalaan ninyo na maaaring gumanap na parang tagapamagita­n (mediator). Sinabi ko rin na mas mabuti na hindi lang kayong dalawa ang mag-usap.

At magagawa lang ito—makialam sa relasyon ng anak mo at ang ama niya—kung menor de edad lang siya. Sa katotohanan lang, kahit na menor de edad siya, basta makakasalita na siya para sa sarili niya, (he can speak and stand up for himself) mas mabuti nang iwanan mo silang dalawa ang mag-ayos ng kanilang relasyon.

Tyan ay dahil parang hindi mo kontrolladoang iyong mga emosyon. Gaya nang sinabi ko noong unang araw kong sinagot ang sulat mo, ang dating ng sulat mo ay naliliyo ka. Hindi ka klaro sa mga bagay na ikinagagalit mo.

Nag-umpisa ba ang galit mo sa mundo at ang trato ng mundo sa iyo? Nang natanto mo na hindi ka masaya sa takbo ng buhay mo, sinubukan mo bang tanungin ano-ano ang ma­gagawa o mababago mo sa buhay mo para lalong gumanda ang kinabukasan mo? TO BE CONTINUED

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes, at Sabado. Sundan siya sa Twitter, sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes