Una sa Balita

Punerarya sa maling bangkay, kinasuhan

By
0 142

Patung-patong na kaso ang isinampa ng pamilya ng isang overseas Filipino worker (OFW) na nasawi laban sa isang punerarya sa bansang Israel dahil sa maling bangkay na naiuwi sa Pilipinas kamakailan.

Sa panayam ng Abante kay June Peralta, 44-anyos ng Jalung Porac Pampanga, bunsong kapatid ng nasawing overseas Filipino worker (OFW) na si Fernando Peralta na naipadala na nila ang pormal na reklamo sa embahada ng Pilipinas sa Israel laban sa Menuha Laad LTD at sa manager nito na si Shaika Kariv sa Tel-Viv ng nasabing bansa.

Base sa reklamo ng pamilya Peralta, nahaharap sa kasong sibil (moral damage negligence, double pain emotion, actual damage expenses) ang nasabing punerarya.

Ayon kay Peralta, noong Hunyo 7 pa nila naipadala ang kanilang reklamo sa isang consul na tumutulong sa kanila na si Bryan Jess Baguio, ng embahada ng Pilipinas sa Israel.

Mga danyos perwisyo ang lahat nang isinampang kaso po namin dahil sa abala at sakit na nangyari sa aming pamilya nang ito’y maling bangkay na naiuwi sa amin,” ani ni Peralta.

Sa pamamagitan ni Consul Bryan ay umaasa ang pamilya Perlta na magkakaroon ng kataru­ngan ang nangyaring sakit sa kanilang pamilya.

Bukod pa dito aniya maging ang JPS Punzalan Funeral Homes ay hihingi rin ng danyos sa Menuha Laad LTD dahil sa ginawa nilang serbisyo sa maling bangkay.

Ayon kay Joy Punzalan, may-ari ng JPS Funeral, tatlong araw din sa kanila ang maling bangkay na nakilalang si Shang Jun Yao, isang Chinese national na kung saan ito ay inilagay sa freezer bago ito naibalik sa Tel Aviv Israel.

Nabatid na aabot umano sa 3,000 dollar ang danyos na hinihingi ng JPS funeral hinggil sa serbisyong ibinigay nila sa maling bangkay na naidala sa kanila. (Itutuloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy