Una sa Balita

Punerarya nagliyab, ₱.2M ataul naabo

0 249

TINATAYANG nasa 200 libong pisong halaga ng mga ataul ang naabo sa sunog na sumiklab sa isang punerar­ya sa Dolores, Quezon Sabado ng mada­ling-araw.

Ayon sa Dolores police, nagsimula ang sunog sa bodega ng Ace Funeral homes sa Brgy. Maligaya alas-3:30 ng madaling-araw.

Umabot din ng ikalawang alarma ang sunog bago ito nasawata ng mga tauhan ng BFP mula sa nasabing bayan­ at mga karatig bayan.

Ayon pa sa pulisya, mabilis na kumalat ang apoy dahil sa mga light material at mga kahoy na ginagamit sa paggawa sa mga kabaong.

Wala naman naiulat na nasaktan­ o nasawi sa nasabing insidente. (Ronilo Dagos)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More