Una sa Balita

Pumutol ng sanga, tepok sa kuryente

By
0 12

Buwis-buhay ang isang 42-anyos na biktima, makaraang makuryente habang pinuputol ang sanga ng puno sa Cavite Pig City sa Sitio Kiko Rosa, Barangay San Francisco, General Trias, Cavite kamakalawa ng umaga.

Ang biktimang si Joselito Burinaga Pirante, dead on arrival na sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital, sanhi ng pagkasunog ng mga internal organ nang makuryente ito sa taas ng puno.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Gen. Trias CPS, dakong alas-7:30 ng umaga nang maatasan ang biktima na putulin ang sangang sumasayad sa linya ng kuryente, gamit ang steel ladder, sinimulang magputol ng sanga ni Joselito.

Napansin na lang umano ng kasamahan ng biktima na si Rolly Flores, na hindi na ito sumasagot sa pag-uusap nila, at nang tingalain ay wala na itong malay, kaya’t kinalog niya ang puno hanggang mahulog ang biktima na wala nang buhay.