Una sa Balita

Pumulas sa checkpoint dedo

By
0 2

Patay ang hindi pa nakikilalang lalaki matapos makipagbarilan sa checkpoint ng Philippine National Police (PNP) sa San Jose del Monte City, Bulacan, Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), nangyari ang engkwentro sa Quirino Highway, Sapang Alat, Brgy. San Manuel, bandang alas-10:15 kagabi.

Pinara umano ng mga nakaposteng pulis checkpoint ang sasakyan ng suspek na Toyota Vios (conduction sticker VJ-1126), pero umiwas ito at kumaripas ng takbo patungo sa direksyon ng Caloocan area.

Naua umanong pinaputukan ang mga operatiba kaya gumanti ang mga ito ng putok hanggang sa masukol nila ang suspek.

Iniimbestigahan pa ng Bulacan PPO ang identity ng napatay at kung bakit ito nakipagbarilan at umiwas sa checkpoint.