Una sa Balita

Pumugang inmate, nabistay

By
0 91

Isa sa tatlong inmates na nakapuga mula sa Cotabato Provincial Jail ang napatay ng mga awtoridad sa naganap na engkuwentro sa Pikit, North Cotabato.

Sa ulat na nakara­ting sa Camp Crame, nakipagbarilan sa mga pulis ang puganteng si Mama Mandagia Makalati alyas ‘Marco’, ng Barangay Lanuon Carmen, North Cotabato.

Si Makalati ay isa sa tatlong preso na tumakas sa Cotabato Provincial Jail sa Barangay Amas, Kidapawan City kamakailan.

Napag-alaman na namataan ng pulisya ang suspek sa isang abandonadong bahay sa Barangay Tinutulan, Pikit, North Cotabato kaya agad na nagsagawa ng operasyon.

Nang makatunog na mga pulis ang paparating ay agad nagpaputok ang suspek dahilan para gumanti ng putok ang mga awtoridad at napatay ito.

Samantala, tinutugis pa ng pulisya ang dalawa pang pugante na kasamang tumakas ng nasawi na sina Teng Puti Mustapha at Esmael Nasser, alyas Derbi.

Sa ulat ng pulisya, nilagari ng tatlong preso ang rehas ng selda sa loob ng Cotabato Provincial Jail at tumakas kasabay ng malakas na buhos ng ulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy