Una sa Balita

Pump boat lumubog, 1 pasahero patay

By
0 3

Isa ang iniulat na nasawi sa paglubog ng pampasaherong pump boat sa karagatang sakop ng Magallanes, Agusan Del Norte.

Kinilala ni Ensien Jesnar Dazas, Station Commander ng Philippine Coastguard – Butuan Station ang biktima na si Cindy Villanueva, 15, residente ng Barangay Sto. Nino sa nasabi ring bayan.

Ayon kay Dazas, sa ngayon ay inimbestigahan pa nila kung ano ang dahilan ng paglubog ng nasabing pump boat bandang alas-5:30 ng hapon.

Nabatid na padaong na sana ang MVCA J-A, ga­ling ng Butuan City sakay ang 68 katao kasama na ang tatlong crew nang bigla itong nahampas ng malaking alon dahilan ng pag-panic ng mga pasahero hanggang hindi na ma-control ang nasabing pump boat at tuluyan nang tumaob.

Dahil sa tulong ng mga residente sa lugar kasama na ang Maritime Unit ng PNP, Bureau of Fire o BFP-Butuan, at Philippine Coastguard-Butuan City Station, nailigtas naman ang mga sakay ng pump boat sa kabila ng pagkamatay ng isa.