Una sa Balita

Pumormang makamasa, solon nanginig sa lamig

0 292

Sa pagnanais na makapantay niya ang kasuotan ng masang Filipino, nahihilig ang isang mambabatas sa pagsuot ng camisa de chino.

kartadaSa porma niyang ito, para siyang magsasaka pero naninirahan sa exclusive village ng Ayala Alabang sa Muntinlupa.

Hindi lang daw sa mga aktibidad sa labas ginagamit ng mambabatas ang ganitong kasuotan kundi pati na rin sa pagpasok sa ilang establisimyento.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na noong minsang yayain siya ng kanyang mga kaibigan sa dinner sa isang restaurant, ito rin ang ginamit niyang pang porma.

Ang malas niya, sob­rang lamig ng aircon sa restaurant kaya’t naningig itong mambabatas, aba’y sob­rang nipis kasi ng suot niyang damit.

Nagkataon pa na hindi siya nakapagdala ng jacket kaya’t hindi nagtagal ay umalis na rin ang mambabatas matapos hindi kayani­n ang lamig.

Pintahan niyo na. Ang mambabatas na nanginig sa lamig dahil sa pakulong damit ay minsang naugnay sa magandang staff at may letrang N sa kanyang pangalan.