Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pumitas ng puno

0 99

Ano po kaya ang kahulugan ng panaginip ko. Nakita ko kasi sarili ko na nagha-harvest ng mangga at iba pang prutas sa taniman namin. Hindi naman ‘yun kalakihan sa totoong buhay, pero sa panaginip ko parang malaking lupain daw ‘yun. Ibig sabihin kaya nito e uunlad ako sa farming? Salamat po sa inyong sagot.

  • JK

Ang mangga sa panaginip ay isang sign na mapagtatagumpayan at malalampasan mo ang isang problema. Anuman ang humaharap sa iyo para maabot mo ang tagumpay ay makakaya mong masolusyonan kaagad.

Isa ring kahulugan ng mangga sa panaginip ay makakatanggap ka ng tulong mula sa taong hindi mo inaasahang tutulong sa iyo. Kung maliit ang nakita mong mangga sa panaginip, sinasabi nito na hindi magiging madali ang laban at maraming pagkakataon na mararanasan mong mag-isa.

Kapag nakakita ka ng puno ng mangga, sinasabi naman nito na may isang taong maaasahan mo kahit wala siya lagi sa tabi mo. Ipinapakita ng panaginip na ito na matatag ang inyong relasyon. Hindi naman ito palaging kaibigan dahil pwede rin itong kapatid o kaya naman ay katrabaho.

Positibo rin ang sinasabi ng iba pagpitas mo ng iba pang prutas sa iyong panaginip. Pinapahiwatig nito na magiging meaningful ang aksyon mo sa mga bagay-bagay sa hiaharap.

Pero kung may nakita ka na bulok na prutas, indikasyon naman ito na mayroon kang pinalampas na opurtunidad.

Bawat prutas ay may iba’t ibang kahulugan, pero sa sa pangkalahatan nagiging sign ang prutas para sa magandang financial condition. Ang puno rin ng mga prutas ay nangangahulugan ng pagkakaroon magandang business deal, habang ang pagkaputol naman ng puno ay sign ng kalungkutan.

Ang pagpitas ng mga prutas ay nagpapakita rin ng kasaganahan at kasiyahan sa iyong buhay.

DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspekto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com

Leave A Reply

Your email address will not be published.