Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pumila ka sa dulo girl’ Bella Poarch todo pantasya kay Joshua Garcia

0 154

Na-bet-an ng international singer, social media influencer na si Bella Poarch, ang Pinoy actor na si Joshua Garcia.

Aba, tila naengganyo, nagayuma si Bella sa kaguwapuhan ni Joshua, dahil sa latest TikTok entry niya, makikitang kiyeme-kiyeme siyang nagluluto ng green apple, pero ang chika niya, ang laman ng utak niya ay si Joshua, na naggigitara, ha!

“Singer ba siya?” tanong pa ng Filipino-American singer/socmed influencer, na ang TikTok followers ay umabot na sa 89.1M, habang ang likes ay umabot na sa 2.1B, ha!

Anyway, kaloka si Bella dahil ang isa ng video niya ay umabot sa 138.3M ang like, at ang isa ay 135.0M, ha!

Naintriga rin siguro si Bella kay Joshua, dahil super sikat din ito sa TikTok. Ang isang video nga ni Joshua ay umabot na sa 127.9M view, ha!

Anyway, super react agad-agad ang mga netizen, lalo na `yung mga nagpapantasya kay Joshua, sa eksena ni Bella. Idinaan nila sa biro ang mensahe nila na pinagtutulakan nila ito palayo kay Joshua.

Heto nga ang mga nakakalokang chika ng mga fan, na lahat ay gustong papilahin si Bella sa dulo:

“Pang-498 thousand ka po sa pila. Lipat na lang po kayo sa iba.”

“Bella ha, wag mong daanin sa kasikatan. Mahaba pila. Lol.

“Mareng Bella dahil sa kakaisip mo sa kanya niluto ‘yung apple ng buo at walang apoy. Hahahaha. May pila po tayo para sa kanya.”

“Pila-pila Bella huwag kang ano, ha!”

“Bella may pila po. Dun banda sa Ortigas Station ang dulo.”

“Ay beh, may pila.”

“Mamsh, doon ka sa likod. Marami tayong nakapila kay Joshua.”

“Omg nooooo!”

“Teh mahaba ang pila. Pumila ka pls.”

“Pumila ka acla, walang tiktoker tiktoker dito, ha!”

“Bella nakakaloka ka, may pila diyan sis. Hahahahaha.”

“Hoy teh, gigil mo ako, pumila ka sa likod ka.”

“Angas mo Bella, ha! Ikaw agad sa una. No way.”

“Ano pong number ng ticket mo? Pila po sa dulo.”

“Pumila ka Bella, sa huli raw ang magaganda at sexy.”

“Please lang sa pinakalikod ka pumila.”

“Singer ba o single siya? ‘Yun yata tanong mo Bella.”

“Pila teh, char. Hahahaha. Oo minsan singer si Joshua, madalas jowa ko, este actor pala.”

“Joshua Garcia. Sanaol Bella.”

“He can sing but not a singer. Joshua Garcia is known best for being one of the greatest – if not the greatest – actor of his generation.

Seriously when he cries, the whole nation cries with him. He’s that goo.

“Hindi po,pero isa siyang magaling na artist, pero kumakanta rin siya. Solid idol ko yan.”

Well, bongga talaga si Joshua, super lakas din ng appeal. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.