Pulubing kinupkop ng DSWD tigok sa virus

Taliwas sa paniniwala ng ilan na hindi nahahawaan ng COVID-19 ang mga pulubi, isang lalaking namamalimos sa Cavite City na kinupkop ng City Social Welfare and Development (CSWD) ang nasawi dahil sa COVID-19.
Tinukoy ang biktima na 50-anyos.
Sa ulat ni P/SSgt. Amangel Genuino ng Cavite City Police, Abril 5 nang nakitang namamalimos ang biktima kaya kinupkop ito at dinala sa CSWD compound, Samonte Park, Brgy. 62M para maalagaan.
Pero nitong ala-11:15 kamakalawa ng umaga natagpuan itong patay kaya agad na humingi ng tulong sa City Health Office na i-cremate ang bangkay kasunod ng kautusan ni Dr. Jerome Morada na nagsabing namatay ang biktima sa COVID-19.
Sa imbestigasyon, wala ring senyales ng foul play sa pagkamatay nito.
Agad ding ipinag-utos ang agarang disinfection sa lugar. (Gene Adsuara)