Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pulong umalma sa pork war

0 259

NAPUNO na si House Deputy Speaker at presidential son Paolo ‘Pulong’ Duterte sa isyu ng gulangan sa budget allocation ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Kaya kahapon lumutang ang isyung pagkudeta ni Pulong kay Cayetano at iba pang opisyal ng Kamara dahil sa hindi patas at kontrobersiyal na alokasyon sa infrastructure fund ng mga distrito ng mga mambabatas.

Sa mensaheng ipinadala ni Duterte kay ACT –CIS party-list Rep. Eric Yap na kumalat sa viber sa mga mamamahayag ay nakasaad na inuudyukan nito ang kanyang mga kasamahang kongresista para mabakante ang liderato ng Kamara.

Ayon pa sa mensahe ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte kanyang kakausapin ang Mindanao bloc para mapaalis ang mga nakaupo bilang house speaker at deputy speaker dahil sa isyu ng hatian sa pondo.

“ Sinabihan ko na kayo nananahimik lang ako kasi ‘di na ako kinakausap nina Speaker ngayon nadamay ako. I will ask the Mindanao bloc to declare the seat of the Speaker and Deputy speakers vacant ngayon Monday ‘di mamatay ang Mindanao dahil walang budget,” bahagi ng mensahe ni Duterte kay Yap.

Naglabas naman ng pahayag si Pulong ukol sa naturang isyu, kung saan pinaliwanag niya na nais niya sanang manahimik sa isyu ng budget allocation bilang delicadeza lalo’t anak siya ng Pangulo.

Ang pahayag umano tungkol sa pagbakante ng Speakership ay dahil sa kanyang pagkadismaya sa mga hinaing ng mga kapwa kongresista ukol sa budget.

“Now as Congress continues to be hounded by the issue of budget — something that finds its way up to the current House leadership, how it treats its members, how it approves allocations and budgets with fairness or lack of it — let me reiterate my position,” aniya pa. “I do not want to get involved, however, I wish to help my fellow lawmakers find answers to their questions or remedies to the budget that they proposed for their people.”

Matatandaang sumambulat ang ‘pork’ war sa Kamara dahil sa kwestiyonableng alokasyong ibinigay sa Taguig na nasasakupan ni Cayetano at ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte.(RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.