Una sa Balita

Pulong selection aariba sa Amerika

By
0 1,653

MAGPAPAKITANG-GILAS ang Pulong se­lection sa darating na Abril 21, 2018 para sa L.A. Youth Basketball Invitational Tournament sa Los Angeles, California, USA.

Ito’y isa sa magandang papartisipahang torneo para sa aming team, kasi ang makakalaban namin dito ay pawang malalaki at mabibilis na manlalaro mula sa Amerika. May makakalaban din tayong mga Fil-Am na bata sa naturang paligsahang prinesenta ng SoCal Ballers League.

Ang Pulong selection ay babanderahan nina Ian & Irus Chua, Tyron Tecson, Nicolai Ong, Peecoo Napenas at Andre Herrera.

Bukod po sa torneo, magkakaroon din po ng exhibition games sa iba’t ibang ballclub at school teams.

***

Magsisimula na rin ang Tapang at Malasakit National Basketball & Volleyball Tournament ni Paolo Duterte sa Bulacan sa April 13, 2018 sa Bulacan Capitol Gym na dadaluhan ni AMA Senior Vice President Arnel Hibo, Tapang at Malasakit National Basjetball & Volleyball Northern Luzon coordinator Edwin Ancheta at Yong Catequista.

Sa nasabing kaganapan ay malaking pa­salamat agad ang aming ipinaaabot kina Gov. Wilhelmino Alvarado, Vice Gov. Daniel Fernando, Councilor Cris Balu­yot at lahat ng mayor ng Bulacan sa suportang ipinagkaloob sa torneo na iisa ang aming adhikain: ang maiwas ang mga kabataan sa bisyo at mahumaling sa sports na isa sa concern ng ating head na si Paolo Duterte.

Raratsada na rin po ang Visayas Leg sa Iloilo City bukas (Sabado) Abril 14, 2018 na binubuo ng mga bayan sa San Miguel, Zarriaga, Leganes, Pavia, Iloilo City, Antique at sa Guimaras.

***

Happy Birthday nga pala, to my lovely wife nu’ng April 8, at sala­mat sa San Juan leg na pinamumunuan ni Sen. JV Ejercito, Province of Rizal Leg Mayor Jun Ynares para sa pagpapahiram ng mga venue nang libre. Gayundin sa full support ng aming AMA Chairman Boss Amable R. Aguiluz. Hanggang sa muli po!